“Hindi ko alam, basta sinabi lang sa akin ni Cally na nandito na nga si Gavi sa Pilipinas kahapon.” saad ko kay Dillion sa kabilang linya habang kausap ko siya dito sa cellphone. Nandito lang ako ngayon sa loob ng kotse ko habang papasok na ako sa opisina. Halos buong gabi nga ako na hindi makatulog sa sobrang pag iisip dahil nang makita ko siya ay sobrang na-excite ako sa pwede kong gawin. Madami nang naka plano sa isip ko para magkita kami pero syempre-- kailangan kong pag isipan ang mga kilos ko dahil tama si Cally, nakabantay pa rin ang mga mata ng Dean na 'yun sa akin. I need to be more extra careful para hindi masira ang mga plano ko ng dahil kay Dean. Sigurado kasi ako na talagang nag hihintay lang siya ng magandang timing para maibalik ako sa kulungan... ay siyempre, hindi ko '

