Mas lalo kong naramdaman ang mabilis na pagkabog ng dib-dib ko nang tuluyan na akong nakalabas sa sasakyan ko kung saan ay agad na nagkaharap kaming dalawa ni Dean. Mas lalo ko rin na nakita nang mas malinaw ang kunot na kunot na noo niya habang diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. Nakakaramdam na talaga ako ng kaba ng mga sandaling ito pero ayokong ipahalata ‘yun sa kaniya. “Ano na naman bang kailanga-- ughh!” Hindi ko natapos ang balaak ko sana na sabihin sa kaniya at awtomatikong napa-ungol pa ako sa pagkabigla at sa sakit na naramdaman ko nang marahas na naman niyang hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. Hindi lang ‘yun dahil marahas niya akong itinulak paatras na naging dahilan kung bakit napasandal ako sa kotse ko. Napangiwi pa ako ng konti dahil sa sakit. “A-ano na naman ba

