HAVEN PRIVATE HOSPITAL,… Kahit anong pilit ang gawin ni Rein na mag pahinga nang hapon na 'yun ay hindi pa rin niya magawa, siguro ay dahil halos buong araw na siyang nag papahinga sa kaniyang kwarto. Nailipat na si Vein sa isang pribadong silid kung saan ay halos isang kwarto lang ang pagitan nilang dalawa. Talagang hiniling niya sa presidente ng Haven Private Hospital na si Doctor Bartolome na kakilala naman niya na mailipat sa mas malapit na silid ang kaniyang kapatid. At kung pwede sana ay malapit lang kung saan naman siya naka-confine at pumayag naman sa kaniya ang matandang lalaki na lubos naman niyang ipinag pasalamat. Hanggang ngayon ay nag aalala pa rin siya sa kaniyang kakambal. Sa totoo lang ay gusto niya na itong bisitahin sa silid nito kaya lang ay nararamdaman niya pa rin a

