chapter 4:

448 Words
“Yung mga pakiramdam na hindi ka handa, hindi mo maipaliwanag, hindi mo alam, isang araw gugulatin ka na lang, kumakatok, sino ka nga kasi?” Napakahirap para kay Shy ang gumising sa umaga na wala na ang mommy nito, wala ng mag-aasikaso, makikinig sa kanyang kwento at mag nanarrate ng mga bedtime stories. Naging busy din ang ama nito sa tabaho, nabasa ni Mir na paraan daw yun ng mga tao para makalimot sa kalungkutan at problema. Ang gugulin ang atensyon sa trabaho para mapawi ang kalungkutan? Hindi niya pa maintindihan ang mga paraan ng mga matatanda. Hindi napapansin ng ama nito na si Shy naman  ang nagdudusa sa pagkawala ng oras nito, laging wala ang ama , nasa malayong lugar. Kaya naman, para tulungan si Shy, si Mir ang laging nandoon…siya ang tatayong sandalan ni Shy, kahit hindi siya kailangan nito, laging siyang nandoon. Noong niyaya si Mir ng mga kaibigan para daw lumabas kasama ang kanilang mga kaklaseng baae, hindi siya pumayag, mas pinili niya na samahan si Shy na manood ng Disney movies, kahit nakakatawa ang eksena, umiiyak ito. Naaalala nito ang kaniyang mommy, nangako raw kasi na panonoorin ang palabas kapag lumabas na sa Pilipinas. Hango kasi ang story sa popular na libro. Inihilig niya ang ulo ni Shy  sa  kanyang balikat , umiiyak habang tinatahan ito. Noong sandaling yun, gusto niya na sa kanya lang iiyak si Shy, hindi sa iba, hindi sa balikat ng iba, hindi kamay ng iba ang hihimas sa ulo nito at magsasabing okay lang ang bagay kahit na hindi naman. Pero , pwede naman niyang pasayahin ito, kaya iyon na ang kanyang ginawang misyon. Ang pasayahin ang kanyang paboritong pinsan. “Mir, Ilakad mo ako sa pinsan mo, ang ganda nya eh, gusto ko siya maging girlfriend,” kusang kumilos ang kanyang kanang kamay para suntukin ang mukha ng kanyang kaibigan. Hindi na pala, nagalit ito at nauwi sa gantihan, noong araw na iyon, pinatawag ang magulang niya sa guidance. Hindi ito natuwa ng malaman nito ang dahilan ng away, pinagsabihan nito ang kaklase nila, pati ang kanilang guro na unahin ang pag-aaral kaysa sa ibang bagay. Natuwa naman siya, hindi na ito nakakapanligaw sa kanyang pinsan, pakiramdam niya makaksuntok siya ulit, at handa siyang magpaguidance ulit kapag naulit ito,pero hindi pala lubusan ang kanyang kasiyahan kasi nagalit ang kanyang mommy. Pinagalitan siya nito…pero nakakatuwa pa rin sa huli dahil si Shy naman ang dumamay sa kanya, niyakap siya nito ng mahigpit , masaya sa kanyang pakiramdam sa kanyang di maipaliwanag na paraan, parang nakalutang siya sa mga ulap, kung may ganoon man, at lihim siya  na napahiling, Sana araw- araw akong mapagalitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD