chapter 2:

512 Words
“Yung panahon na tayong dalawa lang sa ating mundo, tahimik, ikaw at ako lang, iyon ang aking pinakamasaya hanggang sa tumigil…” “That’s our house, that’s tita Leng, yung dalawa nating tita at si tito Jules, malapit lang dito ang bahay nila, sa village natin may park din sa court,  last year kasali kami sa tournament ng mga kaklase  namin, hindi kami ang nanalo kasi kinampihan ng referre yung kalaban namin eh.” Inutusan si Mir na ipasyal ang bagong pinsan na si Shy, matagal daw kasi ang magiging usapan nga pamilya, okey lang naman sa kanya na ilibot ito. Kung magtatagal ito sa kanila, dapat alam na rin niya ang mga magiging pasyalan nila, yung mga paglalaruan. “Malapit lang dito yung school namin, maganda doon , malaki, saka may playground din. Nag-aaral ka rin diba?” Tumango lang ito sa kanya, kahit puro tango at iling lang ang sagot ni Shy sa kanya, tuwang-tuwa pa rin siya na ipasyal niya ito. Feelinga niya magiging proud ang mga magulang at mga kamag-anak dahil nagagawa niya ng maayos ang pinapagawa sa kanya. “Tara,” yaya niya dito, inilahad niya ang kanyang kamay, tinignan muna nito sandali bago kumapit sa kanya, akala niya mapapahiya siya dito. Buti naman at hindi. “Mir! Sino yan girlfriend mo?” huminto ang nagbabike na mga kalaro para usisain kung sino ang kasama niya. “Ang cute niya” puri  pa ng isa. Tumingin si Shy sa kanya. “Hi-hindi ko siya girlfriend, pi-pinsan ko siya ngayon lang siya dumating,” sagot niya dito, akala niya aalis na ang mga ito, pero ipinarada ng mga ito ang mga bike at pinaligiran ang kanyang pinsan. “Wow ang cute niya , mas maganda siya sa crush ko na grade six, Mir, pwede sya na lang ang crush ko? Pwede ko siyang maging girlfriend pagkagraduate ko ng grade six, kasi yung kuya ko, noong nayari lang siya ng grade six nag-girlfriend,” mayabang na sabi nito na nagpainis kay Mir, intinago niya ang natatakot na si Shy sa kanyang likod. Tinulak niya sa dibdib ang kalaro. Bahala ng magalit. “Bawal mong gawing girlfriend ang pinsan ko, ayaw ko, saka hindi ka pa nga tuli eh, kaya hindi ka magkakaroon ng girlfriend!” hindi na hinintay ni Mir na sumagot ito, hinila niya na si Shy palayo, tumakbo sila hanggang makarating sila sa kanilang likod bahay. Doon nakatayo ang kanilang tree house, ang kanilang palasyo na magkakapatid. “Halika, akyat tayo,” kinumbinsi niya muna ito na hindi mahuhulog bago niya napilit umakyat. Namangha ito nang makita ang loob, malaki kasi iyon, maraming laruan na pambabae, konti lang ang sa kanya, kapag kasama niya ang mga kapatid , siya ang tumatayong alipin at mga prinsesa raw ang mga ito, nakakainis kaya madalas hindi siya umaakyat kapag kasama ang mga ito. Pero ngayon, habang kasama niya si Shy, kahit ito ang maging prinsesa, hindi siya magrereklamo, hindi siya tatanggi…kasi pakiramdam isa talaga itong prinsesa Tama naman siya sa kanyang naiisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD