Chapter 8

1550 Words
"Woahhh!" the crowd is screaming noong magsimula na ang laro. Kahapon pag dating ko sa school ay tapos nanga ang laro. Mabuti nalang at nanalo naman daw ang business add department. Engineering naman at Education department ang naglalaro ngayon. May laro lahat nang department para malaman kong sino ang isasali sa main varsity player. Maliit lang ang populasyon ng educ dahil narin walang masyadong kumuha nang kursong pagtuturo, dahil nga mayayaman naman lahat ng nag-aaral dito. Nakaka proud nga na may mga mayayaman din palang gustong kumuha ng ganyang propesiyon. "Gooooo Nathan!" sigaw ni Vien. Napatakip ako sa tenga ko dahil subrang lakas noon. Tiningnan ko ang lalaking tinutukoy niya at ngumiti ito pabalik sa kanya. "Engineering department for the win! Engineering department for the win" Sigaw ng mga engeneering students ng ma shoot ng Nathan nayun ang bola at 3 points pa. Marami nading sumasabay sa sigaw nayun dahilan para tuluyan nang matabunan ang cheer nang mga Educ. "Go Cordova!" sigaw ko sa isang engineering players. Diko kasi napigilan dahil kasalukuyan silang nag-aagawan ng bola ng isang player nang educ. Hindi ko talaga yun kilala pero nakasulat kasi sa likod ng jersey niya ang apilyido nito. Kanina kopa din napapansin na ang galing niyang maglaro. "Shoot munaaaaa!" sigaw ko nang makuha niya ang bola. Hindi kona mapigilang tumalon talon dahil sa naghahalong excitement at kaba. He shoot the ball at pigil hininga ang lahat kong ma so-shoot ito. "Owwww!......Sayang" sabay sabay naming sabi nang hindi pumasok. Sayang at 3 points din iyon. Nagpailing iling siya nang hindi iyon pumasok, halatang na dissapoint din siya. "Okay lang yan. You can do it!" sigaw ko na dumagundong sa buong gym. Napalingon siya sa akin at tumawa sa lakas ng sigaw ko. s**t! nakakahiya, baka ano pang iisipin niya. Agad akong kinabahan hindi dahil sa pagngiti ni Cordova kundi sa lalaking palapit at matalim ang tingin sa akin. He look fuming mad. Diretso ang matalim na titig niya sa akin. Napatakip ako ng mukha. Gusto ko tuloy umalis sa pwesto ko ngayon. He's mad, i'm pretty sure. "Hindi mo naman sinabi na Cheerleader ka pala nang Engineering department" galit na sabi niya nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. I smile to him. "Nakaka excite kasi yung game" ngingiti ngiti kong sabi. I'm lighting up the athmosphere kasi mukhang galit talaga siya. She smirk. "Really bakit si Cordova lang ang chineer mo?" I smile secretly. Is he jealous? Imbes na ma guilty ako ay ikinatuwa kopa. Hays, Kendrick is Jealous! "Kasi ang galing niya" pag amin ko sa katotohanan. "I am courting you, kaya dapat ako lang ang titingnan mo" diretsong sabi niya. "Gago ka pala eh! may mata ako Kendrick. Tsaka nanliligaw kalang". Uminit ang ulo ko doon sa sinabi niya. I like the way his being territorial pero mali naman ata yung subra na. Too much is not healthy anymore. Dapat marunong siyang lumugar sa pagiging bossy at possesive niya. Ginulo niya ang buhok niya at nag buntunghininga. "I'm sorry" mahinang sabi niya at umalis. Nakokonsensiya tuloy ako. I think i'm too mean on him, pero hindi ko kasi kayang i tolerate nalang ang pagiging bossy niya. Tumahimik na ako sa buong laro ng engineering at education hanggang matapos. Tinitingnan ko si Kendrick sa baba ngunit di lang man siya nagtatapon nang tingin sa akin. Nakikita ko ding kinakausap siya nang mga kasama niya pero hindi niya ito sinasagot. Mukhang galit nga talaga siya. "LQ kayo?" tanong ni Vien nang mapansin ang pagbubuntunghininga ko. "Hindi no? Beside hindi naman kami kaya hindi LQ ang tawag doon" "Okay" tatango tangong sagot ni Vien sa sinabi ko. Hindi ko alam pero subra akong naguguilty. Nagsimula na ang laro nila laban sa Law department. Isa si Kendrick, Cayfer, at Xan sa unang pumasok para sa first quarter. Hindi muna pumasok si Brayle at Yhuan andoon lang sila sa bench nakaupo "Goooo, Business Add" sigaw nang mga business add students. Hindi ako sumabay at tiningnan lang si Kendrick na walang ganang pumunta sa gitna. Ang ingay nang buong gym noong magsimula. Halos cheer nang Business add student ang naririnig ko at natatabunan na ang cheer ng mga law students. "Oww!" tanging sabi namin sa pagkakadismaya dahil hindi napasok ni Kendrick ang bula sa ring. "I think his not on the mood" komento ni Vien sa gilid ko. Lamang nang sampung puntos ang kalaban at patapos na ang first quarter. Mukhang hindi nila mahahabol ang score nayun. "Go Kendrick!" hiyawan ng lahat nang maagaw ni Kendrick ang bula. He position to shoot it on the ring, for three points shot. Kaso hindi pumasok, kanina pa pumapalya ang bawat tira niya. Agad siyang nag pa iling iling nang makitang hindi ito pumasok. Wtf! Napamura ako sa isip nang matumba siya dahil sa malakas na pag siko nang kalaban nila. Hindi iyon nahalata nang coach kaya hindi na foul ang kalaban. "Dayaaaaa!" sigaw ko at sigaw naming lahat. Tiningnan ko nang masama ang lalaking sumiko sa kanya. Bawal yun eh! Tumayo si Kendrick at sakto ding natapos na ang first quarter. Lamang ang kalaban ng eight points. Gusto kong puntahan siya sa baba para tingnan kong maayos lang siya, but i stop myself. Nang mag second quarter at third quarter ay hindi din siya pumasok. Sina Yhuan, Xan, Brayle,Cayfer at iba pang kasamahan ang pasalit salit na pumapasok. Magaling ang apat pero di maipagkakailang magagaling din ang kalaban lalo na't halos senior ang naglalaro para sa Law department. Nahihirapan silang habulin ang limang puntos na lamang ng kalaban. "Ipasok niyo si Kendrick" rinig kong sigaw nang mga Seniors. Patapos na ang third quarter at lamang padin ang Law dept. Tahimik na ang business add at cheer na nang law students ang nadidinig sa buong gym. "Puntahan mo yun Marie oh! Feeling ko talaga wala sa mood yan dahil sa nangyari kanina" turo sa akin ni Vien sa kinaroroonan ni Kendrick. Nakasandal siya sa bench at nakatakip ang mukha niya nang kanyang t-shirt na parang natutulog. Kanina pa ganyan ang posisyon niya. Nag- aalala na ako sa kanya dahil baka may na injured sa kanya dahil sa pag kakatumba niya kanina. "Goo!" sabi ni Vien at tinulak pa ako pababa. Nag aalangan man ay bumaba na ako para puntahan siya. I know it's my fault and i should take the responsibility. Hindi korin siya kayang pabayaan nalang lalo na't may utang na loob ako sa kanya sa pag pa check niya sa tuhod ko kahapon. Kahit alam kong hindi naman malala yung pagkakadapa ko kahapon ay nagpapasalamat parin ako sa kanya. "Are you alright?" sabi ko nang makalapit na ako sa kanya. Hindi siya gumalaw at sumagot sa akin. Siguro nga tulog siya, pero imposible naman iyon dahil sino bang matinong tao ang makakatulog sa ganito kaingay na paligid. "Heyy. Okay kalang" nag aalalang tanong ko ulit at tumabi sa kanya sa pag upo. Tinitingnan na ako nang mga kasamahan niya, mabuti nalang talaga at pumasok yung apat. Tinanggal niya yung t-shirt na nakatakip sa mukha niya at tiningnan ako. His eyes look so sad, at hindi ko alam kong bakit nalulungkot din ako. "I am. Bumalik kana doon" walang emosyon na sagot niya sa akin. "Dito lang ako. Sure kaba talaga na okay kalang?" He nod. "Okay lang ako" "Are you mad at me?" tanong ko sa kanya. Hindi ako sanay na ganito siya katipid magsalita gayung dati naman ay halos hindi natitikom ang bibig niya. "I can't stay mad at you, inaamin ko galit ako kanina pero ngayon hindi na. I'm mad at myself, kung bakit ganito ako" mahinahon niyang sabi. "I'm sorry for what happened earlier. I'm just jealous baby!. Nag seselos ako kasi chine-cheer mo siya. I don't like seeing you supporting any other guy. Gusto ko sakin lang at wala nang iba. I badly want to be selfish when it comes to you baby!" He added. Para akong lumulutang sa sinabi niya. I understand him kasi kung ako ang nasa sitwasyon niya ay ganun din ang gagawin ko. "But i'm not your girlfriend Ken. You should understand that. Hindi sa lahat nang oras kaylangan nakatuon ang atensiyon ko sayo" pagpapaliwanang ko sa kanya. Gusto ko talagang maintindihan niya iyon. "I know! But i can't help it. Just give me more time baby... Masasanay din ako" sagot niya. I smile and hug him. "Thank you" sabi ko sa gitna nang pagkakayap namin. I admit now na gusto ko siya. Alam kong sa sarili ko na gusto kona siya. I am falling for him at kahit gaano ko ito pipigilan mahuhulog at mahuhulog parin ako. Narinig ko ang tunog nang buzzer hudyat na tapos na ang third quarter at mag fo-fourth quarter na. Bumitaw ako sa yakap dahil bumabalik na ang iba nilang kasama. "Hi Marieanna!"Bati sa akin ng apat nang makalapit na sila. "Kayo naba?" tanong ni Xandrick. Agad akong umiling at ngumiti nalang sa tanong nila. Hindi ko alam kong saan nila ito nalaman pero baka sinabi ni Kendrick sa kanila. "Sagutin mona yan. Para tapos na" Sabi naman ni Cayfer na ngumingiti. "Bro, I already explain it to you. Totoo to" sabi ni Kendrick kay Cayfer. Ngumiti si Cayfer at nagpatango tango. "Oh I see." sagot ni Cayfer bago tinunga ang gatorade sa kamay niya. Nalito tuloy ako sa pinag uusapan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD