After that Kendrick never bothered me anymore. Ngayon ko lang na realize na mas better palang palagi niya akong kinukulit kesa sa ganito na parang hangin lang ako sa kanya. Pumapasok ako sa first subject ko at palagi ko siyang naabutang tulog, minsan naman tulala siya at hindi manlang ako tinataponan nang tingin. Napapansin ko din ang sunod sunod niyang pag absent. Pag kumakain ako sa cafeteria diko siya nakikita, hindi narin siya sumasama sa apat. "Can we talk?" Rianah said. Nasa cafeteria ako kasama si Vien. Napatigil si Vien sa pagkain at napatingin sa akin. Namumula ang mata niya at mukhang galing lang sa pag iyak. "For what?" "May sasabihin lang ako. Okay lang ba kong tayo lang dalawa at hindi dito?" Wala man akong ideya sa gusto niyang pag-usapan ay tumango na ako "O-okay" U

