FARRAH Ilang araw na akong malungkot ng mabalitaan ko na wala na si Auntie Sol. Siya ang pasyente ko na napamahal na rin sa akin at tinuring kong Mommy, dahil malayo ako sa mga magulang ko. Nakilala ko siya sa ospital kong saan ito naka confined at kong saan naman ako nagta trabaho bilang nurse. Naalala ko pa nga ng unang beses ko siyang nakilala. May pagka mataray ito at mainitin ang ulo, marahil dala na rin ng sakit niyang nararamdaman. Lagi ko siyang pinupuntahan kahit off duty ko na. Natutuwa kasi ako sa kan'ya at parang may kakaibang nararamdaman ako para dito. Ang weird nga at hindi ko maipaliwanag. Since, nagleave ang nurse in-charge niya ako ang pumalit. Ikakasal na rin kasi ang close friend kong si Cassandra sa long time boyfriend niyang si Stephan. Sana all na lang talaga ako na

