DRAKE Pagka alis ng asawa at anak ko, panay na dikit sa akin ni Sandra. Naiirita man sa mga kinikilos nito at pinagsasabi hindi ko na lang siya pinapansin pa. Nag-iinom na lang ako ng alak hanggang sa bigla akong nahilo at umikot ang paningin ko. Hanggang sa nawalan na ako ng malay. Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Napabalikwas ako ng bangon ng makita kong nasaan ako. Hindi 'to ang kwarto naming mag-asawa? Nasaan ako??" tanong ko sa sarili. At halos mandiri ako sa katabi ko ng makita ang mukha nito. Kahit dim light lang kilala ko si Sandra. Anong ibig sabihin nito??? Hindi pwede, wala rin akong natatandaan sa nangyari. Bull s**t!!! Napasabunot na lang ako ng buhok ko. Babangon na sana ako para mag bihis ng biglang may pumasok sa loob ng room. At napasigaw ito, si Ate Cristina.

