Kanina pa ako tulala sa kwarto naming mag-asawa. Katatapos lang ng libing ng anak namin. Hindi ko lubos maisip na mamatayan ako ng anak at dahil sa nangyari naging malungkutin ako. Mas gusto ko na lang magkulong sa kwarto at bihirang kumain. Parang gusto ko na lang sumunod sa anak ko sa heaven. Nang maka kita ang ng gamot sa loob ng cabinet kaagad kong nilaklak ang laman nito hanggang sa mawalan ako ng malay. Nagising ako na puro liwanag ang paligid ko. May nakikita akong mga batang naglalaro at tila tinatawag nila ako. Kaya lumapit ako at dinala nila ako sa maraming makukulay at magagandang bulaklak, inamoy amoy ko ito hanggang sa maamoy ko ang mabangong amoy nito na humahalimuyak na nanunuot sa ilong ko. Nilapitan ako ng batang lalaki. "Hello! Ate ganda, bakit ka po nandito?" tanong n

