Chapter 24 Jennifer Hindi ako umuwi. Hindi ko kinaya. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pagkatapos ng lahat ng sinabi ni William sa ospital, pagkatapos niyang ibuhos sa akin ang galit, ang sakit, ang pagkamuhi—pakiramdam ko, wala na akong lugar kahit saan. Hindi ko kayang harapin ang lahat. Ang pagkawala ni Rayinier. Kaya heto ako, mag-isang nakaupo sa malamig na buhangin ng tabing-dagat. Tahimik ang paligid. Walang ibang naririnig kundi ang banayad na hampas ng alon at ang mahinang ihip ng hangin. Madilim ang langit, at ang buwan ay parang isang matang nakamasid mula sa itaas—walang imik, pero parang nanunumbat. Gumulong ang luha sa pisngi ko. Hindi ko na ito pinigilan. Hinayaan kong pumayak ang mga luha ko. Ilang buhay pa ba ang dapat mawala nang dahil sa akin? Sana hindi na lang ako nili

