Episode 63

1981 Words

CHAPTER 6 Jennifer Paglabas namin ng ospital, pakiramdam ko para bang lahat ng tao sa paligid ay nagmamadali, samantalang ako’y mabigat, mabagal, at puno ng sugat—hindi lang sa katawan, kundi pati sa puso. Mahigpit ang yakap ni Katrina sa braso ko, habang sina Reynold at Daniel ay nasa tabi namin. Nang makalabas kami sa main entrance ng ospital, sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi at ng mga ilaw mula sa kalsada. Sa di-kalayuan, nakaparada ang kotse ni Reynold. Bumuntong-hininga ako, pilit na pinapakalma ang sarili. “Jennifer,” mahinang sambit ni Reynold, nakatitig sa akin. “Doon ba kayo tutuloy sa condo unit niyo?” Umiling ako agad. “Hindi… hindi ko kayang bumalik doon ngayon. Ayaw kong dalhin si Katrina sa lugar na madaling hanapin ni Papa. Mas ligtas kami sa hotel.” Nagkat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD