CHAPTER 65 Jennifer Ilang segundo ang lumipas bago siya muling nagsalita, halos pabulong. “Jennifer… patawarin mo ako. Hindi ko intensyon na saktan ka. Alam kong wala na akong karapatang humingi ng tawad, pero sana—sana maintindihan mo.” Napapikit ako, mariing kinuyom ang kamao ko. “Sabihin mo sa akin, Reynold… alam ba ni Daniel ang lahat ng ito?” Saglit siyang natigilan, halatang nag-aalangan. Pero sa huli, bumuntong-hininga siya at tumango. “Oo. Alam niya. Simula’t sapul, plinano namin ito. Ako at si Daniel, kasama si Lorenzo. Ang malaki n’yong share ni Katrina sa IKS—pareho kaming may dahilan para pabagsakin si Mario. At alam naming ang tanging paraan para makuha ang shares ninyo… ay ligawan ka. Pero maniwala ka, Jen, hindi namin intensyon na saktan ka. Gusto lang naming pahinain

