Episode 33

2463 Words

.Chapter 33 Jennifer Tahimik ang paligid. Kasabay ng paglubog ng araw ang unti-unting paghupa ng bagyong pilit kong kinimkim sa dibdib ko nitong mga araw na lumipas. Pagkatapos ng mahabang pag-uusap namin ni Papa, para akong nilunod ng mga alaala. Mga bagay na noon ko pa gustong maunawaan, pero ngayon ko lang tunay na naintindihan. Ang galit niya, ang higpit niya — lahat pala ‘yon ay bunga ng sugat na hindi niya maipaliwanag noon. Sugat na natutunan niyang gawing sandata kaysa ipakitang kahinaan. Habang nakatingin ako sa langit, napaisip ako… “Tao rin pala si Papa. Marunong masaktan. Marunong matakot.” At siguro, gaya ko, natuto siyang magtayo ng pader para ‘di na masaktan pa ulit. Pero may tanong pa rin akong hindi maalis sa isip ko. Paano kung mali pa rin ang paraan niya ng paglaba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD