KABANATA 54 William Malakas ang ulan sa labas. Halos hindi marinig ang sariling hininga sa bawat bagsak ng patak sa bubong. Para bang may galit ang langit—galit na tinatago na ngayon ay pinakakawalan. Nasa loob pa rin kami ng silid ko ni Jennifer. Tahimik siya. Nakaupo sa gilid ng kama. Bahagyang nakatungo, tila ba pinipilit pigilan ang sarili niyang masira. Ang mga daliri niya ay magkakakapit, nanginginig sa lamig o sa galit . Ako naman, nakatayo sa kabilang dulo ng kwarto, halos hindi gumagalaw. Pero ang puso ko… rumaragasa. "Ganito na lang ba talaga, Jennifer?" Mahina kong tanong, halos hindi na ako umasa ng sagot. "Hindi ka man lang marunong sumagot?" Walang tugon. Pinilit kong ngumiti. Mapait. Pero kahit ang ngiting 'yon ay tila hindi ko na makuha. Saan na ba napunta ang lahat

