Chapter 25 Jennifer Mabilis lumipas ang mga taon—pero sa puso ko, parang kahapon lang ang lahat. Ang bawat sakit, alaala, at aral ay nanatili. May mga bahagi ng nakaraan na ayaw ko nang balikan, pero hindi rin ako kayang bitawan ng mga ito. Tila ba kasama ko silang lumalakad sa bawat araw. Hindi ako naging matagumpay sa isang iglap. Pero hindi rin ako tumigil. Sa RCA, natutunan kong magpakatatag. Simple lang ang trabaho ko—nagsimula sa admin, hanggang sa na-promote ako bilang project coordinator. Sa mga proposal, report, at mga meeting, unti-unti kong nakita ang sarili ko sa ibang liwanag. Hindi na ako si Jennifer na laging umaasa. Ako na si Jennifer na may sarili nang direksyon. Malaki ang utang na loob ko kay Sir Reynold at kay Daniel. Hindi lang sila naging boss—naging mga kaibigan

