Episode 48

2189 Words

Chapter 48 Jennifer Hindi ko alam kung mas matapang ako dahil hindi ako umiyak sa harap nila… o mas duwag ako dahil tumakbo ako palayo. Patuloy na umaagos ang aking mga luha, habang naglalakad kami ni Reynold, malayo na sa floating cottage, malayo na sa mga tanong at titig at salitang paulit-ulit kong inuungkat sa utak. Pero kahit gano’n kalayo ang hakbang, hindi ko mailayo ang sarili ko sa bigat ng nararamdaman ko. Gusto kong humagulgol, gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Nasa tabi ko lang si Reynold, walang imik. Hindi niya ako kinukulit. Hindi siya nagtatanong. Pero ramdam kong nag-aalala siya—sa paraan ng marahang paglalakad niya, sa maingat na distansya, sa paminsan-minsang pagsulyap na parang sinasabi: “Sabihin mo lang kung kailan ka bibigay, at nandito lang ako.” Sa waka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD