Chapter 17 Jennifer Pagkatapos kong magpaalam kay Aling Cely, wala na akong inintay pa. Umalis ako sa bahay na parang walang nangyari. Hindi ako lumingon. Pagdating ko sa condo unit, hindi ko na nagawang buksan agad ang pinto. Nakatayo lang ako sa harap, nanginginig ang kamay habang kinakapkap ang susi. Pakiramdam ko, kahit ang pintuan ay ayaw na akong papasukin. Parang alam ng dingding ang bigat na dala ko. Pagkabukas ng pinto, dumiretso agad ako sa loob at isinara iyon nang padabog. Ni hindi ko na pinailaw ang buong unit. Sa liwanag lang mula sa labas ako nabuhay habang papalapit sa sofa. Hindi ko na kinayang umupo nang maayos. Bagsak. Para akong basang damit na tinapon lang sa sahig. Lugmok na lugmok. Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon na bumagsak ang lahat ng pinipigilan kong i

