Chapter 21 Jennifer Napangiti si Katrina habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Raydin. "Mr. Harris, what if kung si ate kaya ang tanungin mo?" Malawak na ngiti ni Katrina habang nakatingin kay Raydin. Hindi ko alam kung seryoso si Raydin sa kanyang sinabi. Bumaling siya sa akin. Seryoso ang mukha. "Jennifer," tawag niya sa pangalan ko, mas malumanay ngayon. "Alam kong bigla ito, pero kung sakali bang ligawan kita sasagutin mo ako?" Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko pa rin alam kung anong emosyon ang dapat manaig. Nabigla ako, oo. Nalito. "Hindi ko alam kung anong isasagot ko," sagot ko sa wakas, halos pabulong. "Ate," sabat bigla ni Katrina, napabuntong-hininga siya habang hawak ang baso ng tubig. "Baka kailangan ninyong mag-usap na dalawa?'' Inilapag niya ang baso a

