Episode 27

2025 Words

Chapter 27 Jennifer Tahimik kami ng ilang segundo, ngunit ‘yung katahimikan na parang may sariling sinasabi. “Lahat tayo may panahon ng pagkaligaw,” sabi niya kalaunan. “Minsan, ang akala mong lakas mo na ‘yon pala ang kahinaan mo. Akala mo, pinoprotektahan mo ang sarili mo… pero ang totoo, tinatalikuran mo ang mga taong handang maghintay sa’yo. Ganiyan ang ginagawa ng apo ko sa akin. Nag-iisa ko lang siyang apo, pero ayaw asikasuhin ang mga negosyo namin dito." Tumingin ako sa kanya. “Baka hindi niya hilig magnegosyo. Ano po ba ang pinagkakaabalahan ng apo ninyo Lolo Gorio?" tanong ko. Tumingin si Lolo Gorio sa kawalan, bago siya muling nagsalita. Kita sa mga mata ang lungkot at pagkabigo na nararamdaman. “Doktor ang apo ko,” aniya sa wakas. “Pangarap ‘yon ng nanay at tatay niya pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD