Bumalik ako sa party na malawak ang ngiti sa aking labi. Nakita ko si Louis na nakikipag-usap sa aking mga magulang at medyo kinabahan ako sa sinasabi niya sa kanila. Mabilis akong lumapit at ngumiti sa akin ang binata. Masaya naman ang aking mga magulang at sinabi ng mga ito ang mga compliment sa akin ni Louis, and he made it clear that we are just friends at walang anuman na namamagitan sa amin. Pero kahit gano’n, alam kong umaasa pa rin sila na kami ang magkatuluyan. Si Louis kasi ang type of guy na magugustuhan talaga ng magulang ko. Matalino, athlete and he is very charming kaya naman tuwang-tuwa sa kanya ang parents ko. Niyaya niya akong sumayaw at pumayag naman ako. Pumunta kami sa dance floor, nilagay niya ang isa niyang kamay sa aking bewang habang magkahawak kami at nasa balikat

