Sobrang sarap ng dinner na niluto nila para sa akin! Ako yata ang nakaubos at hindi ko inasahan na gano’n ako kagutom kahit na ba pinagluto na kami ng food ng aking Mama. Nagtanong sila sa ginawa ko sa sembreak at syempre shinare ko lahat sa kanila. Ang pagpunta ko sa orphanage, sa shelter ng rescued animals at ang highlight ay ang dinner party na pinuntahan namin. Hindi ko sinabi sa kanila ang na-discover ko ng gabing ‘yon tungkol kay Louis, because it’s not my secret to tell. Nag-volunteer na ako na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Fair naman dahil sila ang naghanda t nagluto ng ming food. I was really in a good mood kaya pakanta-kanta pa ako, nagshe-shake ang aking hips, habang nasa harap ako ng sink. Napaigik ako nang bigla na lang may pumalo sa pisngi ng aking pwet. Lum

