Blangko ang utak ko ngayon, natulos ako sa aking kinauupuan abang nasa tabi ko ang babaeng umiiyak na lumabas mula sa office ni Yves kanina. May mga sinabi siya sa akin na hindi ko mapaniwalaan, pero ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo. She was beautiful, a few years older than me and she's been claiming na nakasama niya sila Yves at Diorr before. She knows me dahil nakatira na rin ako sa kanila ngayon at sinasabi niya rin na ako ang pumalit sa kanyang pwesto. This woman was their ex na willing nilang bayaran basta magkaroon lang sila ng anak. Gano’n din ba ako? Ginagamit ba nila ako para magkaroon sila ng sarili nilang baby at ako lang ang paraan para matupad ito? Bago ko pa siya tanungin ng ibang bagay, may tumawag sa akin at nakita kong mabilis na palapit sa amin si Professor Quielle.

