Napabalikwas ako ng bangon sa isang masama kong panaginip. Humihingal ako at tumingin ko sa bunong paligid. I was confused at first hanggang sa naalala ko na bumalik na pala ako sa bahay ni Yves at nagkausap na kaming tatlo. Napahawak ako sa aking ulo na biglang nanakit tapos ay huminga ako ng malalim. Nagsimula na namang mag-init ang aking mga mata na parang iiyak na naman ako. Pilit ko itong pinigilan dahil ayoko ng lumuha pa. Diniin ko ang aking mga kamay sa aking mga mata and I feel just so tired. Pero masaya ako na bumalik ako sa kanila at maliwanag na sa akin ang lahat. I am just so stupid na naniwala agad ako sa sinabi ng babae. She was so convincing, and it’s either her o sila Yves at Diorr ang paniniwalaan ko. Of course silang dalawa dahil matagal ko na rin naman silang nakasama.

