Maagang natapos ang practice ng football team ngayon kaya sabay-sabay kaming umuwi. Hindi dinala ni Diorr ang kanyang motor dahil alam niya na mangyayari ito. Nasa harapan silang dalawa at nag-uusap habang nasa likod naman ako at ka-message ko ang aking kaibigan. Pinag-uusapan kasi namin ang mga nangyari sa cafeteria. Alam na rin naman nila Yves at Diorr na nangyari dahil na rin sa post na kumalat na naman sa social media. Hindi mo na alam kung ano ng nangyari kay Louis after niyang umalis na lang nang makita niya ang post. Gaya nga ng sabi ko wala akong pakialam. Tinanong ko siya kay Diorr at sabi niya nandon naman ito sa practice at mas intense daw ang lakas na pinapakita niya. I don’t know what that means, but I think it is a good thing. Suot ko pa rin ang jersey na pinahiram niya sa ak

