Ella’s POV Naglilinis ako sa kwarto ni James nang marinig ko na may umiiyak sa kwarto ni Seniora. Ayaw ko naman sanang makialam, pero may kung anong humila sa akin para lumabas at sumilip kung ano ba ang nangyayari sa loob ng kwartong iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si James at si Sapphire na naghahalikan. Nabitawan ko ang hawak kong walis kaya kaagad nila akong napansin. “Ella…” tawag ni James. Nakuyom ko ang mga kamao ko dahil kumirot ang puso ko sa nakita. Naramdaman ko kaagad ang pamamasa ng mga mata ko kaya mabilis akong tumakbo paalis—ayaw kong makita nila ’yon. Masakit. Sobrang sakit. Parang sinasampal sa akin na hindi nga talaga ako bagay sa mundo niya. --- Sapphire’s POV “Ella…” Nabigla ako nang tawagin ni James ang maid na dumungaw sa pintuan. “Babe, where are y

