Ella's POV “James? James!!! James, hintayin mo ’ko! James? Na, saan ka na?” Nilibot ko ang aking paningin sa lugar kung saan ako naroroon. Anong ginagawa ko rito? Na, saan ako? Naanininag ko si James na naglalakad palayo sa akin. Tumayo ako at hinabol siya, pero habang papalapit ako, parang inilalayo niya ako. Huminto ako nang huminto rin siya, sa nag-iisang pinto. Binilisan ko ang takbo, nagbabakasakaling maabutan ko siya. Hindi ko maintindihan, sa tuwing lalapit ako, parang gumagalaw ang lugar na ito at inilalayo niya ako kay James. “James, hintayin mo ’ko!” Paulit-ulit kong sigaw. Parang hindi niya ako naririnig. Patuloy lang siya sa paglalakad papalayo sa akin. Nakaramdam ako ng biglaang hilo na parang gumalaw ang tinatapakan ko. Bigla na lang nanlabo ang mga tuhod ko hanggang sa

