HIS SUFFERING

789 Words
James’ POV "Mr. David Lauren, kailangan mo na talaga ng operation. Malala na talaga ang tumor mo. May taning na ang buhay mo, and sadly, you only have five months to live," paliwanag ng doktor ko. Huminga ako nang malalim bago nag-isip. Ano ang gagawin ko? Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Magpapa-opera ka na ba?" dugtong pa nito. Huminga ako nang malalim. "No. Kung mamamatay ako, tanggap ko na. Wala naman rin mang maiiwan ako rito," ani ko. "Paano ang mommy mo? Wala ka ba talagang balak na sabihin sa kanya?" "I have no plans, Doctor. If I die, I will die alone," matigas kong sagot. Ibinigay niya sa akin ang gamot ko. Baka nga huling gamot ko na ito. Limang buwan na lang pala ang nalalabing araw ko sa mundo. Ironic. --- Ella’s POV Maaga akong gumising dahil araw ngayon ng aking paglilinis sa kwarto ni Sir James. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang napakakalat niyang kwarto. Mga mayayaman talaga, burara sa gamit. Hays. Una kong ginawa ay nagwalis, nag-map na rin, inayos ko na rin 'yong mga damit niyang nakakalat. Pati na rin ang mga librong nasa kung saan-saan na lang nakalagay. At 'yong mga gamit na rin ay inayos ko. Malapit na rin akong matapos dahil ilang linis at walis na lang ay matatapos ko na ito. Inilagay ko muna ang walis sa gilid at kinuha ang mga libro para mailagay ko na sa drawer niya. Binuksan ko ang drawer at dahan-dahang inilapag ang libro. Isa-isa ko itong isinilid. Hindi ko pa man nalagay ang huling libro ay may bagay na umagaw sa atensyon ko. May nakita ako sa drawer niya na isang brown envelope na may tatak na “TEST.” Wala namang makakakita kung titingnan ko. Titingnan ko lang naman eh. Inilapag ko ito sa mesa at pasimpleng binuksan. Bumungad sa akin ang maraming papel. Ano 'to? Paperwork? Inisa-isa ko ang lahat ng iyon. Doon ko lang napansin na halos magkakapareho lang silang lahat. Sa pinakahuli ay isang litrato. Kung susuriin mo nang mabuti, para itong litrato ng... utak? Ano 'to? Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang litratong 'yon. Para talaga itong half na brain. Masasabi kong half na lang ito dahil may malaking bukol ang isang bahagi nito. Ewan ko kung bakit bigla akong kinabahan. H-hindi. Sana mali ang iniisip ko. Mabilis kong kinuha ang mga papel na nakapatong sa mesa. Lumapit ako sa bintana kung saan tanaw na tanaw ko si James kasama si Manang Selma na nagtatawanan sa garden. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayon para sa kanya. Hindi ako bobo. Alam ko ang ibig sabihin nito. Hindi ko ma-imagine ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to. Alam ba 'to ni Manang Selma? Ng mommy niya? Lumipas ang isa pang araw at napagpasyahan kong maghahanap ako ng oras para maitanong sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon. Buong araw ay nakatingin lang ako sa kanya nang seryoso at parang nahahalata niya na ito. "What is it?" bagot niyang tanong. "Wala," mabilis ko namang sagot at umiwas ng tingin. Siguro nga sa susunod na lang. Sobrang personal naman kasi ng itatanong ko, baka ayaw niya at magalit siya. "Meron. Alam kong meron kang gustong sabihin. It's okay. Ask me anything," sabi nito. "K-kasi..." Baka magalit siya. "What?" "Tungkol sa ano..." Halos hindi ko matuloy ang itatanong ko. "Bakit namumula ka? Ano ba kasi 'yon?" Medyo natawa ito. Fine. "May sakit ka ba?" mabilis kong tanong. Natigilan ito at hindi ka agad nakasagot. Sabi ko na eh. Sana hindi ko na lang tinanong. "You saw it?" tanong niya, at napatingin ako sa kanya dahil tumawa ito nang mapakla. "O-oo. Sorry," sabi ko. "It's okay. But can you do me a favor, Ella?" ani nito na sumeryoso na. "Oo naman. Ano ba 'yon?" "Let's make it as our little secret. Don't tell anyone," sabi niya pa na parang bata ang kausap niya. Natigilan ako. Ang ibig sabihin ba nito ay hindi alam ng mga magulang niya? "Bakit?" Hindi ko maiwasang magtanong. "Wala lang." "Hindi ba alam ng parents mo?" Nagkibit-balikat ito. "Nope." "Bakit hindi mo sinabi? Seryosong bagay ito, James—" Hinawakan nito ang dalawang balikat ko at hinarap ako sa kanya. "Listen to me, Ella. Kahit sabihin ko, they don’t care." "Pero—" "Ella, please, just do what I say. Don’t interfere with my business." Nainis ako kaya umatras ako, dahilan para mabitawan niya ang balikat ko. "Fine. Bahala ka sa buhay mo. Oo nga naman. Buhay mo 'yan eh. Sino ba naman kasi ako para pagsabihan ka. Magluluto pa ako," sabi ko na lang at naglakad paalis. Bakit ba ako naiinis sa sinasabi niya? Wala naman akong pakialam ah? Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD