BIRTHDAY

1065 Words
Ngayon ang kaarawan ng KINASUSUKLAMAN kong amo. Hindi ko alam na November 24 pala ang birthday niya. Naghahanda kami ngayon, dito na raw siya magce-celebrate ng kanyang birthday. Abala sina Lyn sa pag-decorate habang si Manang Selma naman ay sa pagluluto, si Vince at ang iba ay nasa kusina rin. Ako? Maggo-grocery. Kanina pa ako dito pero hindi ko pa rin nakikita ang bibilhin kong Nestle cream. Siksikan rin ang mga tao dito. Nakaramdam ako ng kaunting hilo at sakit ng ulo. Napahawak ako sa aking ulo nang biglang umikot ng kaunti ang paningin ko. "Are you ok, Miss?" Napa-lingon ako sa lalakeng nakatingin sa akin. Teka. "Ella? Ella, is that you?" tanong nito sa akin. Sabi na eh, siya nga. Si Chance Hajj, kababata ko sa probinsya. --- "Dito ka pala nagtatrabaho!" Hindi makapaniwala ang sabi nito. "Ako? Na-assign kasi ako dito ni Papa, at isang buwan na lang ay uuwi na ulit ako ng Manila," dugtong nito. "Ang swerte mo noh? Ang yaman mo na ngayon, ang ganda na ng buhay mo. Samantalang ako? Eto, isang hamak na katulong," sagot ko. Hinawakan nito ang balikat ko, parang pinapagaan niya ang loob ko. "Dapat nga maging proud ka sa trabaho mo eh, dahil kung hindi dahil dito, hindi mo matutulungan sina Tita." "Hmm, may point ka naman. Oo nga pala, gusto mo ng juice? O kahit ano?" tanong ko, pero umiling lang ito. Nakarating na kami sa bahay kanina; hinatid niya ako eh. Ilang taon na rin ang nakalipas noong huli naming pagkikita. Aminado akong na-miss ko rin siya. Noon kasi kasama ko siya lagi noong maliit pa lang kami. Masaya lang ulit ako kasi sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita ulit kami. "Ella!" Tawag ni sir. Kunwaring inuubo pa siya. Wrong timing naman si sir, ngayon ko lang naman nakita 'yong dati kong crush tapos e-epal pa siya. Kainis naman. "Ah sir, si Chance pala, childhood friend ko. Chance, si James, boss ko." Nagkamayan pa ang dalawa, pero parang may something. "Nice to meet you, bro." "It's quite the opposite." Kumunot naman ang noo ko sa sinagot ni James. "I think you should leave. May trabaho pa siya," sabi ni James na seryoso ang tingin kay Chance. "Yeah. I think so too. Una na ako, Ella. See you tomorrow?" Napangiti ako at tumango. "Sige. Hatid na kita—" "He can walk," putol ni James sa sinabi ko kaya sinamaan ko ito ng tingin. "It's fine. Bye." "Ba-bye!" ani ko at pasimpleng ngumiti. "You like him?" Biglang tanong ng katabi ko. "Eh ano naman ngayon?" Pagtataray ko rito. Tinarayan niya lang ako. "Your taste sucks." "Luh." "Don't care. Anyways, samahan mo 'ko, may pupuntahan tayo." "Saan naman?" "Basta! Mag-bihis ka na para magmukha kang tao." "Iniinsulto mo ba ako, sir?" "Nasa sa'yo 'yan. Faster!" "Eto na nga!" --- Wow! Super ganda dito! Nasa isa kaming talon na maraming daisy sa paligid. Ang ganda. Paano niya nalaman ang lugar na 'to? In fairness, my taste naman pala 'tong taong 'to. "Wow! Ang ganda!" manghang saad ko. "I know," ani niya. "Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko. "Tinuro sa akin ni Kuya Jo. Na-mangha nga ako nang makita ko 'to eh," aniya. Namangha ako ng may ngiti na sumilay sa kanyang labi. "Eh ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko. "Come here," utos niya at naglakad papunta sa mga batuhan, sumunod naman ako. Maya-maya ay umupo siya sa sobrang lapad na bato at may inilabas na sketchbook at lapis. Nagulat ako. Ito yata 'yong pinapasunog ng mommy niya. "Umupo ka rito," utos niya at itinuro ang inuupuan niyang bato. "Idra-drawing mo ba ako?" tanong ko nang makaupo. "Yes. Now stay still. Don't move your body or you will ruin my sketch." Sinunod ko ang sinabi niya at mga poses na tinuro niya. "Nangangalay na ako. Matagal pa ba 'yan?" reklamo ko. "Kunti na lang. I said don't move! Ipapaulit ko 'to sa'yo!" Galit siya kaya tumahimik ako. "Tapos na ba?" "Done." Nakahinga ako nang maluwag at ginalaw-galaw ang katawan ko. Pagkatapos ay lumapit ako sa kanya. Namangha ako sa nakita ko. Sobrang galing niya at kamukhang-kamukha ko 'yong sa drawing niya pati 'yong waterfalls na background, kuhang-kuha. "Ang galing! May talent ka rin pala," komento ko at kinuha ang sketch pad. Binuksan ko ang iba pang page at mas lalong namangha sa mga nakikita kong drawing. "Ang ganda. Bagay sa'yo maging architect," sabi ko. Bigla nitong binawi ang sketch pad sa kamay ko. "Let's go back," sabi niya. "Ngayon na? Ang bilis naman." "Magpaiwan ka r'yan kung gusto mo." Ang walang hiya, nauna na ngang maglakad paalis. Nagmamadali na lang ako at sumunod sa kanya. Ang dulas-dulas ba naman dito tapos maputik pa. Ano ba 'to? Kanina hindi naman madulas 'to ah. Teka nga. "Sir, tama ba talaga ang dinadaanan natin? Sabihin mo lang kung naliligaw na tayo ha! Para makasigaw ako ng tulong," sarkastiko kong tanong. "Shut up! Alam ko ang daan. And besides...dito raw ang shortcut." "Ah, shortcut. Sabi mo eh." Napakaputik na ng rubber shoes ko. Bakit ba kasi dito kami dumaan eh, ang putik dito? May pa-shortcut pa kasing nalalaman. Kainis. "Tabi! Aray ko!" Napadaing ako nang madulas. Ang sakit ng pwet ko. Aray naman. Tingnan mo, tumatawa pa. Pinilit kong makatayo pero nadudulas pa rin ako. Kainis naman oh. "Hold my hand, stupid." "Wow ha? Ako pa talaga 'yong stupid? Kainis." "Just hold my hand! Faster!" "Oo na nga oh. Eto na!" Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya habang pinipilit ko ang sarili kong makatayo sa madulas na putikan. Pero putik, nadulas rin kaming dalawa. At ang nakakaluka pa, dahil na sa itaas ko siya. "Hoy! U-umalis ka nga r'yan!" Nadidiri kong sigaw. "Hindi nga ako makatayo kasi ang dulas nga eh," inis niyang sagot. "Anong ginagawa nyo?" Napa-tingin naman kaming dalawa sa lalaking nakakunot ang kilay ngayon. "Tulungan mo nga kami, Kuya Jo! Na-stock kami dito!" Agad niya kaming tinulungan. Ang sakit ng likod at pwet ko. Ang dungis-dungis ko na tuloy. Hayts. "It's all your fault!" sigaw niya sa akin. "Anong ako? Nadulas ako dahil dito tayo dumaan sa maputik. May pa-shortcut ka pa kasi, edi ayan, mukha tayong bina-on sa lupa!" "Huwag na nga kayong mag-away! Tara na umuwi na tayo at baka magsuntukan pa kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap eh," ani ni Kuya Jo. Mabilis namang sumunod si James sa kanya. Kaka-inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD