SAN JOSE, COSTA RICA “Bienvenido a Costa Rica,” nakangising bulalas ni Lion nang makababa sila ng van. Namamanghang nilibot ni Theia ang kanyang tingin sa malawak na kagubatan. Para siyang nasa isang paraiso. Tuwang-tuwa na nilapitan niya ang mga paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak na nasa gilid ng lodge house. “This is paradise!” nakangiting usal niya kay Fox. Naiiling na inipit nito sa kanyang tenga ang mga hibla ng buhok na kumawala sa pagkakatali. “Wait till you see the other side of the forest,” nakangising wika naman ni Bull. “Really?” Tumango ito sa kanya. Binababa na nila Tiger, Dragon at Lion ang mga bagahe na dala nila. “You need to rest, Theia. Before our mission, we will tour you around. It would be best to familiarize yourself with your surroundings,” wika naman ni

