"My love, let's go on a date!" Rinig ko na sabi ni Nemesis sa likuran ko. Kinuha ko si Lior sa baby sitter niya. Pagkaharap namin, huminto si Nemesis sa paglapit at sumimangot nang makitang magkahawak kamay kami ni Lior. Lior just stare at him habang naka-ipit ang isang daliri niya sa bibig. Ubod ng seloso si Nemesis, pati bata pinagseselosan niya. I found it cute though. "His nanny is taking a day off today, remember? Namasyal naman tayo sa underwater city kahapon, diba?" Sabi ko sa kanya. "Tsk. Then find him another babysitter, gusto ko ma-solo kita," Tumatawa akong kinarga si Lior. I patted Nemesis head. "You're acting like a child again, parang dalawang bata ang babantayan ko ngayon," "Don't tease me," inalis niya ang pagkakalagay ng kamay ko sa ulo niya. "Pwede naman tayong ma

