JETT
“Anjettie, ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?” nag-aalalang tanong sa akin ni Hugo pagkalabas na pagkalabas nila Callisto.
Nanlalambot ang ang mga tuhod ko habang inaalalayan niya ako paupo sa couch. Unti-unting sumingaw ang labis na panlalamig mula sa aking katawan, ramdam ko parin ang pagkaputla ko.
“Ate Jett, tubig po!” inabutan ako ni Yuna ng tubig na may pag-aalala habang si Vicky ay pinapaypayan ako.
“Sissy, anong nangyari ba't ganon'n naman pala ang mga taong ‘yon?”
Nilaghok ko ang tubig, naghabol ng hininga pagkatapos. Bahagya akong napreskuhan saka ako huminga ng malalim nang tatlong beses. “A-Ayos na ako.”
“Boss, sino ba ang mga taong iyon?” kuryosong tanong ni Nisha.
Umiling ako. “Simula sa araw na ito bawal niyo na silang papasukin sa shop. Walang dulot na maganda ang mga taong iyon. Naiintindihan niyo?”
Nagkakatinginan silang napatango.
Bahagya akong sumeryoso. “Kalimutan niyo na ang nangyari at ituloy niyo na ang pagtatrabaho ngayon din.”
Nakikita ko ang pag-aatubili nila, gusto pa sanang magtanong. Subalit sa huli ay tahimik na lamang silang pumasok sa loob, habang si Yuna ay bumalik sa counter.
Naupo sa tabi ko si Hugo para sapuin ang magkabilaan kong pisngi at paharapin sa kanya. Naroon parin ang pag-aalala sa mga mata niya.
“Anong ginawa niya sa'yo?”
Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. “W-Well…”
“Tell me.” mas napaseryoso siya.
Sandali pa akong napalunok ng laway bago tumugon. “H-He touched me inappropriately. Binastos niya na naman ako.” muling bumigat ang emosyon ko. “Hugo, p-pareho parin siya noong huli ko siyang nakita.”
“What?” nagdilim ang mukha niya at napaiwas ako ng paningin.
Ni hindi parin nagsi-sink sa utak ko na hinanap niya ako, sinundan hanggang dito. Nagawa kong manahimik ng limang taon na hindi nila nagugulo ang buhay ko. Kaya ano itong gustong mangyari ni Callisto ngayon?
Hindi ko matanggap ang ginawa niyang pambabastos sa akin, na para bang sinadya niyang ipaalala sa akin kung sino siya at kung paano ko dapat siya katakutan. Kahit na nasa sarili akong teritoryo, tila'y gusto niya akong ilugar!
Sumama ang loob ko sa kabila ng nagbabadyang luha sa mga mata ko. “Wala talaga siyang pinagbago! At anong malay ko kung mas naging worst pa siya ngayon? H-Hindi ko maintindihan kung bakit ba kailangan niya pa akong guluhin ngayon, Hugo! Limang taon na ang nakaraan ah?”
Nakagat ko ang ibaba kong labi. Ilang beses niya pang binanggit ang pangalan ni Carcel. At dahil ayaw ko siyang pakinggan, hindi ko ngayon alam kung ano ba talagang pakay niya.
Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko, pero iyon ang sa tingin ko'y mas mainam na gawin. Dahil unang-una, wala na akong kinalaman sa kanila. Labas na ako sa kaguluhan nilang pamilya. Hindi ba't tinakwil na nila akong lahat dahil sa nangyari? Kaya ano pa't may kailangan kuno akong malaman sa dati kong asawa? Wala na akong pakialam!
Bigla ay natigilan ako nang may pumasok sa aking isipan. Nagugulat at natataranta akong napahawak kay Hugo. “S-Si Jelly? Nasaan siya? Ligtas naman siya, hindi ba? W-Wala namang nanggulo sa mansyon, ‘di ba? O baka meron? Kaya ka ba napasugod dito? Si Jelly!” napatayo ako sa sobrang taranta subalit agad akong hinila ni Hugo pabalik sa upuan.
“Shh, it's okay, Anjettie.” pinakalma niya ako. “Ayos lang si Jelly. Walang nanggulo sa mansyon. Ligtas siya roon. It's okay.” hinawi niya ang nagulo kong buhok. “Ang totoo niyan, Anjettie, nakaraang linggo ay nagbangga ang landas namin ng ugok na Rossi na iyon dahil sa isang negosyo. Tinanong niya pa sa akin kung kumusta ka na at sinabing bibisitahin ka niya. I didn't take his words seriously dahil para lang siyang nang-aasar. Pero kanina, na-report ng sekretarya ko sa ‘kin na nakita niya ang lalaking iyon na pakalat-kalat dito sa lugar, kaya ako nagmamadaling pumunta rito. I'm sorry, I should have let you know what happened, pero ayaw ko lang kasi na mag-alala ka at matakot.”
Matagal akong natahimik sa sinabi niya. Nangulubot ang noo ko at puno ng emosyong napayuko. “What does he want from me? Ano pa bang kailangan nilang pamilya sa akin?” kinakabahan akong muling napatitig kay Hugo. “S-Si… Carcel… sa tingin mo ba… gising na siya? Gusto kaya niyang makuha sa akin si Jelly?”
Tahimik siyang suminghap ng hangin at nagkaroon ng emosyong napatitig sa akin. “He… that guy… was still in a coma the last time I investigated.”
Kahit na limang taon na ang nakalipas, alam ko ring comatose pa si Carcel.
Pero…
Bakit masama ang kutob ko ngayon at hindi mapalagay ang aking puso?
“Hugo,” emosyonal akong humingi ng pabor sa kanya. “Puwede mo ba ulit paimbestigahan kung ano nang estado niya ngayon pati ng pamilya nila?”