CHAPTER 4

1616 Words
Dumating si Jace sa quarters nila na magulo pa rin ang isip at tila wala sa sarili. Mabagal siyang naglakad papasok habang pilit na kinakalkal sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi. Sinubukan niyang alalahanin ang mukha ng babaeng nakasama niya. Ang buhok nito. Ang mukha nito. Kahit anong detalye. Ngunit wala talaga. Para bang tinakpan ng makapal na ulap ang mga alaala niya mula kagabi. “Anong iniisip mo, bro? Parang tulala ka diyan ah,” puna ni Art habang nakasandal sa mesa at umiinom ng kape. Hindi agad sumagot si Jace. Nakaupo lang siya sa sofa habang nakayuko at hawak ang kanyang noo. “Iniisip niya siguro yung babaeng nakatabi niya sa higaan kagabi,” biro ni Troy habang nakangisi. Agad siyang sinamaan ng tingin ni Jace. “Hindi iyon biro, pare,” seryoso niyang sabi. Nawala ang ngisi sa mukha ni Troy nang marinig ang tono ni Jace. “Bakit?” tanong ni Art habang napakunot ang noo. Napabuntong-hininga si Jace bago siya nagsalita. “Nakukunsensya ako,” mabigat niyang sabi. “Pakiramdam ko… virgin pa yung babae,hindi lang pakiramdam sure ako na virgin sya.” Saglit na natahimik ang dalawa,at ang iba pa nilang kasama. “Tang ina n’yo kasi,” dagdag pa ni Jace habang masama ang tingin sa kanila. “Bakit n’yo ako pinainom ng kung ano mang s*x drugs na ‘yon?” Saglit na nagkatinginan sina Troy at Art,pati ang iba pa. Pagkatapos ay bigla silang nagtawanan. “Grabe ka naman, bro,” sabi ni Troy habang pinipigilan ang tawa. “Konting trip lang ‘yon.” Ngunit hindi nakitawa si Jace. Sa halip ay napabuntong-hininga siya at napasandal sa upuan. Hindi niya kilala ang babaeng iyon. Hindi niya alam kung sino ito. At ang mas masama— Hindi niya alam kung paano niya ito hahanapin. “Nabalitaan n’yo ba? Papunta si General Cordero ngayon,” sabi ni Cynthia sa mga kasama niyang sundalo habang naglalakad papasok sa quarters. Napatingin agad ang lahat kay Jace. “Huh? Totoo ba ‘yon?” gulat na tanong ni Roe habang nakataas ang kilay. “Jace, pupunta dito ang daddy mo? Bakit hindi mo man lang kami in-update?” Napakunot ang noo ni Jace at bahagyang napailing. “Hindi ko alam na papunta si Dad ngayon,” sagot niya habang nakasandal sa mesa. “Teka lang…” singit ni Troy habang nakangisi. “Biglaan ‘yan? O baka naman may ginawa kang kalokohan kaya ka bibisitahin?” Sinamaan siya ng tingin ni Jace. “Tumahimik ka nga, Troy.” Natawa naman si Art habang nakahalukipkip. “Alam mo naman ang reputasyon ng tatay mo, bro,” sabi nito. “Kapag bumibisita ang isang general, siguradong may mahalagang dahilan.” Tahimik na napabuntong-hininga si Jace. Magulo na nga ang isip niya dahil sa nangyari kagabi, tapos dadagdag pa ang biglaang pagdating ng kanyang ama. Ilang sandali pa ay may narinig silang ingay mula sa labas—ang tunog ng sasakyan ng militar na papasok sa kampo. Agad na nagkatinginan ang mga sundalo. “Looks like he’s here,” mahinang sabi ni Cynthia. Napatuwid ng upo si Jace. Hindi niya alam kung bakit, pero may kutob siyang hindi basta-basta ang pagbisitang ito ng kanyang ama. Nagbigay-pugay ang mga sundalo nang makita nila si General Cordero na papasok sa kampo. Agad silang tumayo nang tuwid at sabay-sabay na sumaludo bilang paggalang sa mataas na opisyal. Kahit mag-ama sina Jace at ang general, hindi nila iyon ipinaparamdam sa kanilang mga kasama. Sa loob ng kampo, sundalo muna sila bago ang lahat. Patas lamang ang laban ng mag-ama pagdating sa tungkulin. Sabay-sabay silang sumaludo. “Good morning, sir!” sabay-sabay na bati ng mga sundalo. Tumango lamang si General Cordero bago marahang ibinaba ang kanyang kamay. “Alright,” matigas ngunit kalmadong sabi niya. “Siguro nagtataka kayo kung bakit ako bumisita dito sa kampo ninyo.” Tahimik na nakinig ang lahat. “May hihingin kasi akong pabor sa inyo,” dugtong niya habang matiim na umiikot ang tingin sa mga sundalong nasa harapan niya. “Hindi bilang mga ordinaryong sundalo… kundi bilang special undercover agents.” Nagkatinginan ang ilan sa mga sundalo. Alam nilang hindi basta-basta ang hinihinging pabor ng isang general. “May isang grupo kasi na gumagawa ng sunod-sunod na pagpatay,” patuloy ng general. “At ang ginagamit nilang armas… ay palaso.” Bahagyang nagulat ang ilan sa kanila. “Hindi pa namin matukoy kung iisang tao lang ang may kagagawan nito… o kung isang organisadong grupo sila.” Sandali siyang tumigil bago muling nagsalita. “Sa totoo lang, kung susuriin… ang mga pinapatay nila ay pawang mga salot sa lipunan—mga kriminal na matagal nang tinutugis ng batas.” Napakuyom ang kamao ni Jace habang nakikinig. “Ngunit,” dagdag ng general, “hindi pa rin iyon makatwiran. Walang sinuman ang may karapatang magpatupad ng sariling hustisya.” Tahimik ang buong silid habang patuloy silang nakikinig. “Kaya kailangan naming malaman kung sino ang nasa likod nito.” Saglit na tumigil ang general bago tumingin nang diretso sa grupo ng mga sundalo. “At kailangan namin ng mga taong kayang pumasok sa dilim… para hanapin ang taong nagtatago roon.” “Jace.” Agad na napatuwid si Jace nang tawagin siya ng kanyang ama. “Ikaw ang mamumuno sa misyong ito,” diretsong sabi ni General Cordero habang nakatingin sa kanya. “Pumili ka ng lima pang makakasama mo sa operasyon.” Bahagyang tumango si Jace bilang pagtanggap sa utos. “Yes, sir.” Muling nagsalita ang general habang umiikot ang kanyang tingin sa mga sundalong nasa harapan niya. “At mag-iingat kayo.” Bahagyang bumigat ang kanyang boses. “Dahil masyadong matinik ang nagmamay-ari ng mga palaso na ito.” Tahimik na nakinig ang lahat. “Matagal na namin siyang tinututukan,” patuloy ng general. “Ngunit hanggang ngayon… wala pa rin kaming maayos na lead.” Napakunot ang noo ng ilang sundalo. “Parang multo ang taong ito,” dagdag pa niya. “Lumilitaw lamang kapag may target… at pagkatapos ay bigla na lang nawawala na parang hangin.” Napahawak sa baba si Art habang nakikinig. “So… ibig sabihin, assassin?” mahina nitong tanong. “Something like that,” sagot ng general. Muling tumingin si General Cordero kay Jace. “Ang trabaho ninyo ay alamin kung sino siya… at kung may grupo ba siyang kinabibilangan.” Sandaling tumahimik ang general bago niya sinabi ang huling utos. “At kapag napatunayan ninyo kung sino ang nasa likod nito…” Tumalim ang kanyang mga mata. “Bring them to justice.” Ipinakita ng general ang ilang larawan ng mga biktima. Isa-isang ipinasa ang mga ito sa mga sundalo habang seryoso nilang tinitingnan ang mga detalye. Halos pare-pareho ang itsura ng mga larawan. Lahat ng biktima ay may isang palaso na nakabaon sa kanilang katawan. “Kung tutuusin, isang palaso lang ang ginagamit,” sabi ni Art habang nakatingin sa larawan. Napakunot ang noo ni Cynthia habang sinusuri ang isa sa mga litrato. “Wait, sir. Tanong lang,” sabi niya habang tumitingin sa general. “Namamatay agad ang mga biktima sa iisang palaso?” Bahagya siyang napailing sa gulat. “Wow… talo pa ang bala ng baril.” Tahimik na tumingin sa kanila si General Cordero bago siya sumagot. “Because the archer uses poison.” Nagkatinginan ang mga sundalo. “Hindi lang basta palaso ang ginagamit niya,” dagdag pa ng general. “Ang dulo ng mga palaso ay may lason na mabilis kumalat sa katawan ng biktima.” Napabuntong-hininga si Roe. “Deadly combination,” sabi nito. “Isang tama lang… siguradong patay.” Napayuko si Jace habang tinitingnan ang isa sa mga larawan. May kakaibang pakiramdam sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong koneksyon ang nararamdaman niya sa taong ito—sa misteryosong archer na hinahanap nila. Ngunit hindi pa niya alam… Na ang taong hinahanap nila ay mas malapit sa kanya kaysa sa inaakala niya. Pagkaalis ni General Cordero ay naiwan ang grupo sa loob ng briefing room. Tahimik na nagsara ang pinto habang nagsisimula na silang pag-usapan ang misyon na iniwan sa kanila. “Ganun na ba katinik ang nagmamay-ari ng mga palaso kaya kinailangan na ang tulong natin?” tanong ni Troy habang nakasandal sa mesa at nakatingin sa mga larawan ng mga biktima. “Parang ganun na nga,” sagot ni Roe habang nakahalukipkip. Napakamot naman sa ulo si Art habang tinitingnan ang isa sa mga litrato. “Kakaiba rin ang ginagamit,” sabi niya. “Uso pa pala ang palaso ngayon? Hindi ba sinauna pa ‘yon? High-tech na ang panahon ngayon.” Napailing si Cynthia. “Baka hindi lang basta palaso,” sabi niya habang itinuro ang larawan. “Kung ganito kalinis ang tama… mukhang eksperto ang gumagamit nito.” “Exactly,” sagot ni Roe. “Hindi basta-basta ang ganitong klaseng tirador.” Habang nag-uusap ang mga kasama niya ay tahimik lamang si Jace. Nakatitig siya sa mga litrato na nasa mesa. Pinag-aaralan niya ang bawat detalye—ang anggulo ng palaso, ang eksaktong posisyon ng tama, at ang paraan ng pagkakabaon nito sa katawan ng mga biktima. “Bro?” Napatingin sa kanya si Troy. “Kanina ka pa tahimik. Ano sa tingin mo?” Hindi agad sumagot si Jace. Patuloy lang siyang nakatitig sa larawan ng isang biktima bago siya dahan-dahang nagsalita. “Hindi ito gawa ng ordinaryong archer.” Napatingin sa kanya ang lahat. “Kung sino man ang taong ito…” sabi niya habang ibinababa ang litrato sa mesa, “hindi lang siya marunong gumamit ng palaso.” Saglit siyang tumigil bago idinagdag— “Isa siyang master.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD