Chapter 19.2 ~~~ Naglalakad na ako ngayon sa hallway habang nakatingin sa aking notepad at checklist. Hay kapagod. Inabot ako ng isang buong araw para lang kumbensihin lahat. Ang mahirap kasi si Elesa at Callie. Paano kasi mga assistant ng prinsipe kaya nagdalawang isip tapos kailangan pa namin hanapin ang mga prinsipeng yan para makumbensi sila. Yung kay Callie, si Callie na mismong kumausap dahil bawal ko daw siyang kausapin. Pumayag naman agad si Jethro pero ang mahirap ay yung kay Elesa. Eh paano naman kasi kung saang lab naman mapapadpad ang Prince Zoltar na yun. Alam ni Elesa ang schedule niya pero pag pupunta kami sa mismong oras na yun, wala siya roon tapos maghihintay kami at kung tapos na ang oras at wala pa rin siya, susubukan namin ang susunod tapos ganun din. Kapagod kaya.

