Chapter 28.2 Pagkarating niya sa stage, nagulat siya at nanlaki ang mga mata niya. Pumalakpak ang lahat nang makita nila si Yani. “Whoooh! Go Yani!” sigaw ni Donna. “Yehey! Si Yani na ang kakanta!” sigaw naman ni Femme. “Go girl!” sigaw naman ni Jessy. Yani was stuck in her place and couldn’t move. Napalunok siya kaya siya nakakuha ng lakas at naglakad papunta sa mike sabay sinuot ang strap ng gitara. “You may now start,” malamig na sambit ni Jethro. Hindi makapagsalita si Yani at parang nanigas siya sa kinatatayuan niya. “Hey, start!” reklamo ng isang audience. “Uhm...” natulak niya ang mike stand kaya natumba ito that made the crowd laugh. “What a loser,” sabi ng isa na nasa harap ni Yani. Tinayo niya ang mike stand at yumuko. “I’m sure she’ll belong to the last.” “Yeah. She

