Maagang nagising si Hera at napangiti ng makitang mahigpit na nakayap sa kanya ni Owen, malaya niyang pinagmasdan ang maamong at napaka-gwapong mukha nito. Inangat ang kamay at buong pagmamahal na nihaplos ang mukha ng asawa, hindi parin siya makapaniwala na asawa na niya ngayong ang lalaking pinapangarap niya lang dati at lihim na iniibig. "I love you" taos pusong niyang sabi saka hinalik-halikan ito sa noo, pisngi,at sa labi. Nagpasiya siyang bumangon at maghanda ng almusal kaya tinanggal niya ang braso ng asawa na nakapulopot sa beywang niya, ngunit bigla nalang humigpit ang pagkayakap nito "where do think your going?" biglang sabi ng asawa na nakapikit pa ang mata. "Making breakfast" nakangiting niyang sabi habang nakatingin sa asawa na unti-unting minumulat ang mga mata. "Stay

