UNKNOWN POV "UMUWI KANA! please umuwi ka, tama na iyang find your innerself na drama!, tangina naman Hera maraming mawawalan ng trabaho sa kaka inarte mo eh " inis na utos sa kanya ng boses sa kabilang linya "Ano kinalaman ng hindi ko pag uwi sa pagkawalan ng mga trabaho? Aber? Nagpapatawa ka ba Jas? FIVE DAYS as in five days pa lang ako dito tapos papauwiin mo na ako? Next week pa ako babalik diyan" Natatawang sabi ni Hera sa kausap niya, pihong yamot ito sa kanya. "Ano ka ba! makinig ka nga, please umuwi ka na dahil nahihibang na ang nobyo mo, he started firing people without valid reason. Call addy or tito eddie kung ayaw mong maniwala, he's a beast sabi pa ng mga tao sa opisina, kunting pagkakamali lang ay nabubulyaw na siya, naawa na nga ako kay Addy" sirit pa ng kaibigan niya sa k

