"Ate! Ate, gising! Bilisan mo!" Nagkukumahog akong bumangon at naghilamos ng mukha, hindi na ako nakapagsuklay at diritso tali na lang ako ng buhok. "Ate! You gotta see this kaya gumising ka na!" Naririnig kong tumatawa si Sunny kahit sumisigaw. Parang gusto kong batukan ang sarili, nakalimutan kong nandito na ako sa Negros at kasama pa si Atticus. I overslept! Tumakbo ako palabas at nakasalubong si Sunny na kating-kati, tapos basta niya na lang akong hinila palabas ng bahay kaya wala akong nagawa kung'di tumakbo. "Saan ba tayo pupunta?! Saan si Atticus, wala na siya paggising ko!" "Kasi naman tanghali na tulog ka pa. Kanina pa bumangon yung boyfriend mo, siya nga nagluto e!" "Ano?!" Muntik na'kong madapa sa lakas ng pagkakahila niya. "Aray naman, Sunny. Nananadya ka yata, e!" Tuma

