My lips automatically stretched for a wide smile. Siniko ko si Yula at sabay kaming ngumisi.
"Doon tayo, dadaan sila dun! Dali, Eve!"
Tili niya at hinila ako sa campus square. Maraming nakatambay na studyante dun at kadalasan mga babae pa.
Everyone turned their heads toward the approaching bunch of students. Leading the troupe is Cruise Aliston Monte Grande, in his bluish long sleeves polo and black slacks.
Malaki ang ngiting naglalakad at kausap ang isang babaeng kaedaran.
I was at the farthest but I can he see clearly. He's the first guy who made me fell for him without any interaction. Simply because he's himself.
Smart, kind, handsome, responsible, independent and really masculine.
Isa lang ako sa mga babaeng humahanga sa kaniya at alam kong maliit lang ang chance na mapansin niya ako. Pero gusto kong mapansin niya, kahit sa anomang paraan.
"Aliston…"
I never thought that saying his name could be this good. I've always wanted him to notice me even if it's next to impossible.
"Cruise Aliston Monte Grande…"
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko nang napatingin siya sa'kin. Hindi yun biro dahil totoong nagkatinginan kami ng ilang segundo bago siya nakangiting umiwas.
They passed through us, he passed through me but he left me something to hold on to. That eye contact I've always dreamed of.
"Gwapo talaga!"
"Crush na crush ko 'yan!"
"Pero may girlfriend na siya, yung si Angelic, batch mate niya."
"Akala ko si Monique ang girlfriend niya, si Angelic pala."
Sa kabila ng mga narinig ay nakangiti pa rin akong tumalikod. I don't care if he's already taken, my heart will always admire his graciousness.
Every Friday, tatlo lang ang klase ko kaya maaga akong umuuwi para tumulong sa maliit na restaurant ni Tita Hemenia.
The restaurant was just meters away from our house. Maraming customers tuwing patapos na ang linggo kaya tumutulong kami.
"Eve, kunin mo ang order sa table 12," utos ni Ed.
Kalalabas ko lang galing locker para magbihis at ito agad ang bungad niya. Wala man lang hello, Eve!
Umirap ako. Pasalamat ka good mood ako ngayong araw.
"Okay, yun lang?" Tanong ko sabay kuha ng listahan.
Tinignan niya ako habang nakanguso sa kanang banda ng restu.
"Doon pa, table 14. Tapos balik ka agad, may tatawagan lang ako kaya ikaw magbantay sa kaha," dugtong niya.
Walang reklamo akong umalis para gawin ang trabaho ko. Pasalamat talaga si Ed good mood ako ngayon.
"Sir, ano po ang order niyo?"
"Pag-ibig miss, 'yong hindi nag-eexpire at hindi bulok."
Napatingin ako bigla sa kaharap kong lalaki na naka-pangalumbaba. Gwapo naman siya pero mukhang heartbroken.
"Try niyo po sa Lazada, baka po may available po sila. Kasi po, nasa Lazada 'yan!" Masigla kong sagot. Dejk.
Mas lalo tuloy siyang napanga-lumbaba at wala yatang plano mag-order.
"Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat, binigay ko mga gusto niya, nagtanga-tangahan ako kahit alam kong ayaw niya na. Akala ko kasi may pag-asa, pero bakit hindi pa rin sapat! Bakit hindi pa sapat!"
Napa-igtad ako nang hampasin niya ang mesa. Jusq! Ang scandalous ha.
Mabuti wala siyang kasama. Unti-unti siyang napasubsob sa mesa at bigla na lang umiyak.
Oh?
Napakamot ako sa ulo at nilingon si Ed, pero tinaasan lang naman niya ako ng kilay.
"Kuya ano po ba nangyari?"
"My girlfriend cheated on me. I gave her everything but in the end, 'yong Atticus pa rin na 'yon ang pinili. Bakit siya?!" Bigla na naman niyang hinampas 'yong mesa.
Napatingin ang ibang customers sa kaniya habang ako nanigas sa kinatatayuan ko.
Aba't, siya kaya batukan ko? Yung girlfriend niya hampasin niya, 'wag yung mesa rito.
"That womanizer!"
He slammed the table again. Napatingin na ako kay Edcharl na napakunot nuo.
"Kuya o-order po ba kayo?" Lakas loob ko na kasi 'yong langya kong tyuhin tinatamad na naman.
The guy glanced at me. Parang natauhan siya bigla, napatingin siya sa ibang customers na nagtataka siyang tinitignan.
"W-Wala, sorry alis na lang pala ako," nahihiya niyang sinabi.
Eh? Napasimangot ako nang agad siyang tumayo at lumabas ng walang lingon-lingon.
Aba luko 'yon ah!
"Sana okay ka lang, mister," sabi bago umalis.
Pagkakuha ko ng order sa table 14, tumunog ang wind chime hudyat na may bagong customer.
Nakita ko ngang may grupo ng mga college students ang pumasok. Base sa uniform nila, pareho lang kami ng school.
Lima silang lahat at napapalibutan nila ang isang lalaki na hindi ko makita ang mukha. Natatakpan kasi ng isang babae na kaakbayan niya.
And because only table 12 is the vacant table, doon na sila naupo. Sa mesa ng lalaking heartbroken kanina.
"Eve, ako na magse-serve sa table 14, ikaw na lang kumuha ng order sa table 12 pwede?" Si Matt, isa sa mga waiter din.
Matangkad siyang lalaki at mestizo kaya hindi ko mahindian. Ang gwapo kasi!
"Sure, anything, Matt!" Masigla kong sabi at ngumiti.
"Thanks, Eve!"
"Oo naman," ikaw pa.
Nangingiti akong lumapit sa table 12 para sa order nila. Pero grabe, ang ingay nilang lima.
"Lungkot ni Limeson kanina, T. Kita mo 'yong mukha niya nang makasalubong natin? Para kang sasapakin!"
"Oo nga, parang galing sa iyak 'yong gago."
"Kumalaban kasi siya sa'yo, 'yan tuloy. Yabang ng mokong na 'yon, si Tashi lang pala kahinaan."
"Ano ba kayo, boys? H'wag niyo na nga isali sa usapan ang malanding 'yon."
"Cheap slut. Pinagpalit ang boyfriend sa one night stand. Na baliw agad sa'yo T."
'Yong topic pa nila, about sa agawan ng girlfriend pa yata.
Tumikhim ako para kunin ang order nila, agad naman silang nag-order. Pero habang nagli-lista ako, may ugok na biglang nagsalita kaya tumahimik silang lahat.
"Hoy, miss."
Parang biglang nagpanting ang tenga ko sa narinig. Kung hindi lang customer 'yong nagsalita at hinu-hoy ako hahambalusin ko 'to.
Napa-angat ako ng tingin at diritsong tumitig sa isang lalaki na napapa-gitnaan ng dalawang magagandang babae.
He was all smirks, with a sharp evil stare and seductive red lips. Naka-white shirt at blue blazer, black leader belt and trouser habang mayabang na naka-dekwatro.
Agad ko siyang namukhaan at kung hindi lang dahil sa mga taong nanunuod ay baka sinugod ko na siya ulit.
"Bakit, may kailangan ka?"
Diritso ko ring tanong sa matigas na boses. Agad nagtagis ang bagang ko sa pagpipigil ng inis sa kaniya. Napataas siya ng kilay at mas lalong ngumisi.
Para tuloy siyang aso.
"Pwede pa-order ng babae? 'Yong cute ha, 'yong malaki ang dala."
Nagsipulan ang mga kasama niyang lalaki habang sumimangot naman ang mga babae.
Biglang humigpit hawak ko sa ballpen. Jusq, stop me. Masasaksak ko 'tong hayop na 'to!
"Marunong ka bang magbasa?" Bwelta ko.
Napakunot siya ng nuo pati mga kasama niya.
"Of course, I can read everything. Even your hidden desire for me——"
"Then, may nabasa ka bang babae sa menu? Kung may maturo ka riyan, libre ka na."
Napatawa ang dalawa niyang kasamahang lalaki habang ang mga babae tinignan lang ako.
"That was hot, galing ng banat. Ikaw na, pare!"
"Bwelta mo na, T!"
Napataas siya ng kilay sa'kin at nakitawa sa mga kaibigan. Pero huling-huli ko ang pagbalik-balik ng mata niya sa'kin.
"Paano kung wala sa menu?" Bwelta niya nga. "Paano kung nasa harapan ko?"
Aba't!
"Hay naku, Atticus. Lahat na lang talaga, tumigil ka na nga," awat ng isa sa mga babae niya.
"Sige na miss, alis ka na tapos 'yong order namin."
"Wait, I'm still not giving my order," pigil ng lalaking gustong-gusto kong batuhin ng ballpen.
"Restaurant kasi 'to, kung masyado kang bobo para hindi mo malaman. Walang babaeng binibinta rito kaya um-order ka na," inis kong sabat.
Napataas na naman siya ng kilay at wala sa sariling napadila sa gilid ng labi niya.
The tip of his red tongue showed and I regretted dropping my eyes there. Nakita ko agad ang pagtikwas ng labi niya.
"Order ko? Ikaw," banat niya ulit.
Ito talagang lalaking 'to!
"T?" Maarteng singit ng babae sa kanan niya at hinalik-halikan siya sa cheek.
Like, seriously? Para silang 'yong mga napapanuod ko sa television. Yung mga sindikato tapos may mga babae silang palagi silang nilalandi?
Nagusot ang mukha ko habang nanunuod sa kanila. Habang iyong si Atticus ay walang pakialam at nasa akin ang buong atensyon, nang-iinis.
"Hindi ako pagkain," mainit ang ulo kong sagot.
"You just don't know. You're a good food, you can definitely make me full."
"Ano ba, o-order ka o hindi?"
Namewang na ako sa inis. Iyong dalawang lalaki napatanga sa'kin na para bang may liwanag na bumabalot sa'kin. Talaga ba?
Habang ang dalawang babae ay napa-simangot.
Atticus smirked, he saw how pissed I was. Yet he only smirked more as he sexily licked the side of his lips.
"Order na T, pinagtitinginan na tayo oh," sabi ng isang lalaki.
Atticus clicked his tongue. "Ikaw nga gusto kong orderin, kahit magkano pa."
Napapikit ako sa inis. Nababastos na talaga ako sa kaniya. Hindi ko na natiis at tumalikod na ako.
"Coming na ang order niyo," sabi ko habang umaalis.
"What's wrong there? Ang tagal mo, may problema ba sa mga customer?" Si Edcharl na nakakunot ang nuo.
Binagsak ko ang listahan sa mesa. Nasira na ang araw ko dahil sa walang hiyang Atticus na 'yon.
Talagang totoo ang usap-usapan sa school. That guy is a manwhore! Bastos! Ang mga naririnig ko dati, akala ko exaggeration lang. Na malandi at hayok siya sa babae.
But now I'd proven it was all true!
"Wala, ako naman dito sa counter. Kapagod maki-deal sa mga sira ulo."
"Pinag-tripan ka ni Atticus? H'wag mo na pansinin, matagal na 'yong sira ulo," si Edcharl at tatawa-tawa akong binulungan. "Marami 'yang babae at mahilig sa magaganda't malalaki ang dibdib. So don't worry, Eve. You're safe."
"Aba't piste ka!"
Binato ko siya ng ballpen, pero hindi tumama dahil mabilis siyang umiwas.
"Big boobs hanap nun, tanga. Kaya hanggang diyan ka lang. Beware of his charm, too, he's definitely dangerous and charming."
"Mukha ba akong mahilig sa f**k boys, tito?" Pairap ko siyang tinignan.
Nagtaas lang siya ng kilay at tumulong na sa paghatid ng orders. Naupo ako sa mataas na stool at humarap sa mga kumakaing customers.
At kapag minamalas ka nga naman, nasa gitna pa talaga ang table 12 kaya hagip na hagip ng mata ko ang grupo nila Atticus.
Dahil din nakaharap siya sa counter kaya agad nagtagpo ang mata namin. Pinanlisikan ko siya ng mata, pero hindi interesado lang siyang umiwas.
Napalatak ako. May araw ka rin sa'king bwisit ka. May kasalanan pa siya sa'kin, e.
Inabala ko na lang ang sarili sa libreng WiFi ng restaurant. Mahirap lang kasi ako kaya kaligayahan ko ang mga libreng ganito. Lalo pa't palagi akong walang load.
"Where's the restroom?"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses ni Atticus. Sumalubong sa'kin ang pangit at nakakadiri niyang mukha.
"Doon banda, ingat lang. Nilalamon ng inidoro mga bwisit," sagot ko sabay turo sa isang hallway patungong restroom.
Napataas siya ng kilay at mayabang akong tinignan. "They're lucky then, gwapo ng malalamon nila."
Bwisit talaga 'tong si Atticus Crusade Monte Grande! Kung hindi ko lang alam na kapatid siya ng crush ko, baka isipin kong sampid lang 'to sa mga Monte Grande o 'di kaya ampon.
Sama ng ugali!
"Inidoro pa rin naman," banat ko rin. "Dumi ang babagsakan mo. Sa bagay, hindi ka naman kalinisan."
Ngumisi siya at namulsa. Pumungay ang mata niya at tumikwas ang makapal na kilay.
"Dirty is good. Especially if it's s*x," makahulugan niyang sabat.
Nagngitngit ako sa inis at pasekretong inabot ang remote ng maliit na TV sa harap ko. Mabato nga 'tong gagong 'to.
But he has keen eyes, he saw that I'm reaching for the remote. Kaya agad na siyang umalis pero tinapunan pa rin ako ng nakakaasar na tingin.
"Ikaw, willing ka ba maging dirty?"
"Potaena mo!"
Minura ko na sa sobrang asar. Tatawa-tawa tuloy siyang tumalikod at kumaway pa sa'kin kahit na umaalis na.
Evening came and we closed. My Tita Hemenia went out from the kitchen with her chef.
Habang naglilinis kaming mga staff ng restaurant para bukas hindi na kailangan maglinis.
Every sunday, the restaurant's close. Pahinga kasi yun ng lahat para sa Monday, hindi na pagod sa trabaho.
"Eve, tama na 'yan. Magsara na tayo at lampas six na," si Tita.
Agad akong ngumisi at binitawan ang walis. Ganun din ang ginawa ni Ed at nag-unahan kaming makalabas ng pinto.
"Hoy, hoy! At iyong walis at dustpans? Sino ang magliligpit?" Si Tita at sinamaan kami ng tingin.
"May business ako sa labas ate! Si Eve na muna. Nagmamadali ako!"
Si Ed at hinila ako pabalik sa loob. Patakbo na siya nang hilahin ko rin siya pabalik at ako sana ang lalabas para siya ang maiwan.
Pero dahil mas malakas siya sa'kin, binuhat niya ako ng walang kahirap-hirap at binagsak sa sahig.
"Walang hiya ka, Edcharl Elvis! Ikaw maghuhugas ng pinggan mamaya ah!"
Pagdadabog ko pero nakaalis na siya agad. Nakasimangot kong pinagpupulot ang mga walis at dustpan saka binalik sa stock room.
Si Tita nakataas kilay akong hinintay sa pinto. "Seriously? You and your uncle."
"He's a jerk, palagi niya akong pinag-kakaisahan. Siya maghuhugas mamaya ah?" Maktol ko.
Tumawa si Tita at sabay kaming lumabas. Nadatnan namin si Edcharl na naka-upo sa hood ng kotse at pasipol-sipol pa.
Kita mo 'tong mokong na 'to.
"Sakay na, pagod ako kaya umuwi na agad tayo."
"Ako magda-drive," si Tita.
Umiling si Edcharl at tumalon pababa. Agad siyang umikot sa driver's seat at pumasok. Si Tita sa backseat at ako sa shotgun.
"Eve, seatbelt. Bibilisan ko para makapag—araay! Walang hiya kang babae ka! Isang araw masasampal talaga kita!"
Bulyaw niya dahil agad ko siyang binatukan. Nagtuusan kami ng tingin pero wala siyang nagawa dahil magda-drive pa siya.
Time flies so fast and it's Monday again. Araw ng exam namin at tanghali na akong nagising.
Sabi nga nila, kung ano ang ugali mo noong bata ka, kung hindi mo babaguhin, madadala mo paglaki mo. Siguro ito na 'yon.
"Eve, bilisan mo riyan at may exam ka pa. Kumain ka na!" Si Tita na naghahanda rin umalis.
"Opo, nandiyan na! Sandali—saan ang suklay?!"
Hindi ako magkandauga-uga sa pagmamadali. Ilang minuto na lang late na naman ako.
Nadatnan ko si Edcharl na nagka-kepe pa rin. Nagkatinginan kaming dalawa ng ilang minuto bago napatingin kay Tita.
"Aalis na ako ha, may trabaho pa ako. Late na nga rin ako, o basta kumain kayo ah?"
"Opo, Tita."
"Sige na, Ate. Late ka na oh," si Ed na nagawa pang magdahan-dahan kahit late na kami.
Pagkaalis na pagkaalis ni Tita, nagkatinginan kaming dalawa ng ilang segundo. Tapos sabay kaming bumalikwas ng tumayo at nag-unahan ulit na bumaba.
"Eve, magsuklay ka muna! Mukha kang aswang!"
"At ano? Ako na naman magliligpit? Hindi ako kumain ako pa magliligpit? Male-late na ako Ed!"
Naghihilahan kaming dalawa pero dahil mas malakas siya, siya na naman ang naunang bumaba.
"Hintayin mo 'ko!"
"Sira ang gulong ng kotse! Magte-train ako kaya bilisan mo!"
Sigaw niya habang nagmamadaling umalis. Napapadyak ako sa inis. Bwisit na Edcharl yun, bakit ba palagi na lang akong natatalo?
At iyong kotse niya bulok! Palaging may sira!
"Talagang matutulog na ako ng maaga mamaya! Alas cinco pa lang matutulog na talaga ako!"
Ang labss tuloy, para akong kuryente sa bilis.
Patakbo akong humabol kay Edcharl at sumakay sa tricycle pa-train station dahil mas mabilis yun makarating sa school at walang traffic.
Naabutan ko nga siya at sabay pa kaming sumakay sa MRT. Hapong-hapo ako nang makasakay at hindi ko napigilang sumandal kay Edcharl.
"Hoy, lumayo ka sa'kin. Hindi kita kilala," bulong niya sabay tulak sa'kin palayo.
Nakahawak siya sa handrail at nakaharap sa'kin pero nagpapanggap siyang hindi niya ako kilala.
Like, seriously? Ano'ng trip niya sa buhay?
Masama ko siyang tinignan, nangangawit na nga ang kamay ko kakahawak sa mataas na handrail na hindi ko halos maabot, ginaganito pa niya ako.
"Ano ba'ng problema? Sasandal lang, e. Para na akong mahihimatay sa sikip at init dito oh," gagad ko.
Pero hindi siya sumagot at umiwas ng tingin sa'kin. Talagang nagpapanggap siyang hindi ako kilala!
"Eve!" Pabulong niyang bulyaw nang sumandal na naman ako sa kaniya.
"Bakit ba?! Eh sa nangangawit na ang braso ko, e!"
"Nakakahiya ka kasama, alam mo 'yon?"
Masama ko siyang sinipat. "At bakit?! Kinakahiya mo ako?!" I was really hurt.
He looked at me flatly. "Sinong hindi e mukha kang aswang sa buhok mo. Jusko Evergreen, hindi ka ba marunong magsuklay?"
Nanlaki ang mga mata ko at napahawak ako sa buhok kong parang bagong gising.
Napasapo ako sa nuo ko at napatingin sa mga taong pinagtitinginan din ako kanina pa.
Oh my God! Hindi ko na yata kaya ang kahihiyan na 'to! Parang gusto ko biglang tumalon sa train at magpakamatay na lang.
"Parang gusto ko na lang mahimatay!" Eksaherado kong sambit at napatakip ng mukha sa sobrang hiya.
"Tanga, talian mo lang 'yang buhok mo kahit hindi nasuklay. H'wag kang mahihimatay dahil hindi talaga kita dadaluhan." Pasimpli akong kinurot ni Edcharl kaya mas lalo akong naiyak.
Bwisit talaga 'tong lalaking 'to!
"Wala akong pantali, pahiram ng rubber bond," naiiyak kong sabi.
Pinitik niya ang nuo ko kaya masama ko siyang binalingan. Nakakarami na talaga siya sa 'kin! Kung hindi niya ako aalipustahin sinasaktan naman ako.
"Bwisit ka talaga, Edcharl Elvis. Mang-hihingi lang ng rubber bond eh!"
"Tanga, aanhin ko rubber bond? Bakit sa'kin mo hinihingi? Mukha bang gumagamit ako nun?"
"E wala nga akong pantali, tito naman!"
Napakunot siya ng nuo at pinandilatan ako. "Umayos ka, ang tanda-tanda mo na balahura ka pa rin."
"Pasuklay na lang ng—ay!"
Biglang huminto ang train kaya tumapon ako sa dibdib niya. Muntik na akong madapa tapos may tumulak pa sa'kin.
Napamura si Edcharl at nangunyapit sa taas para hindi kami tuluyang matumba tulad ng ilan.
"Anakng—malas ng umaga ko! Evergreen, tumayo ka na!"
Hinawakan niya ang uniform ko at hinila ako palayo sa kaniya. Para tuloy akong batang nilalambitin sa ere.
Sobrang gulo ng mga tao na kaniya-kaniyang reklamo at mura. Natahimik lang nang may announcement.
"Langya, male-late ako sa trabaho ko kung brown out!"
"May klase pa ako. Bwisit naman oh, ngayon pa talaga!"
"Ilang oras kaya 'tong brown out? May flight pa akong hahabulin!"
Sabay kaming napasapo sa nuo ni Edcharl. Pareho rin kaming bad trip nang malaman na brown out at na-stock kami sa gitna ng mundo.