"Hey, good evening ladies." Nag-angat ako ng tingin mula sa panunuod ng short film sa cellphone ko at nakita si Aliston na nakadungaw sa bintana ng kaniyang kotse. "Ali, nandiyan ka na pala." "Evening, kuya!" Masiglang bumati si Yula at nauna pang pumasok sa backseat. Ngumiti rin ako at lumapit. Kalalabas lang namin at hinintay namin siya sa labas ng hotel. "H'wag ka ng bumaba," pigil ko sa kaniya nang akmang bababa siya. Umikot ako sa passenger's seat at pumasok. Pagkasara ko ng pinto ay nakangiti niya akong hinarap. "How do you feel? Tired?" He asked in a gentle tone. "Let me do it." "Medyo, ako na." I buckled my seatbelt quickly, he chuckled when he didn't had the chance to help me. Nakangiti niyang tinignan si Yula sa backseat at siniguradong naka-seatbelt ito bago kami umusa

