Mika Pov.
Pagkatapos naming kumain ay balik trabaho na silang tatlo kaya naiwan na naman akong mag isa. Andito ulit ako sa Office ni Jaden kasi umalis iya para tingnan ang machine na nasira. Kaya ito mag isa na naman ako. Nababagot narin kasi ako na maglaro sa phone kaya naisipan ko na mag basa nalang ng mga libro ni Jaden dito. Grabe kaya pala ang talino ng lalaking to, ang kakapal kasi ng mga Libro niya. Daig pa ang mga Libro ko.
Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas ito.
"Goodafternoon, Sir Jaden~" napa upo ako sa table ni Jaden ng makilala kung sino ang Babaeng Pumasok.
"Goodafternoon" ani ko sakanya. Gulat siya na napatingin saakin.
"Asan si Sir Jaden?" Tanong niya.
"Ah, You mean my Husband? He's not here eh may inasikaso" napangisi ako ng makita na napikon ang Babae. Nilapag niya lang yung dala niyang Files sa Couch at Tinalikuran ako.
"Hindi ka man lang ba mag papaalam saakin or Mag 'Hi~' saakin?" Ani ko at ginaya ang tono ng boses niya kanina.
"Why would i do that to you? Hindi ka naman nag tratrabaho dito." Inirapan niya lang ako at lumabas ng Office. Sarap sabunutan ng babaeng 'yon! Arghhh!
Inis ko na ibinalik ang libro sa shelves ni Jaden. Nagulat ako ng biglang bumukas ang Pinto at Hinihingal na pumasok si Jaden.
"Oh? What happened to you?" Takang tanong ko. Napahinga siya ng maluwag pagkatapos niyang Tingnan ako mula paa hanggang Ulo.
"I-I'm Glad that you're fine.." ani niya at Niyakap ako. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa ginawa niya. Ano ba ang trip ng lalaking to?
"Ha? Bakit? Ano ba ang nangyari?" Tanong ko at kumawalas siya sa pagkakayakap saakin.
"Nothing, Don't worry. May Pumunta pa dito bago ako dumating?" Tanong niya habang hawak ang balikat ko.
"Well, kakalabas lang ni Marissa.. tapos dumating ka.."
"Marissa? May Ginawa ba siya sayo?"
"Wala naman. Tsaka hindi naman ako papayag na saktan lang nang kung sino noh" Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon. Hindi ko tuloy mapigilan na kabahan sa kilos niya.
"Yeah, I know. But still you need to be careful."
"Ano ba kasi ang Nangyayari? Bakit kaba nagkakaganyan?"
"Wala, Mika. Nag aalala lang ako sayo baka nababagot kana dito. Gusto mo bang sumama sakin? Para di ka mabagot dito?" Tumingin ako sa mga Mata niya at nararamdaman ko talaga na may masamang nangyayari ayaw niya lang sabihin sakin.
"Sige, Sasama ako sayo.. Wala rin naman akong ginagawa dito." Iniwan ko ang Bag ko pero dadalhin ko ang phone ko. Bago kami umalis ay kumuha muna ako ng Tissue sa Bag ko at Pinahiran ang
Pawis ni Jaden sa Noo niya.
Binuksan niya ang Pinto ng Office niya at Pinauna akong pinalabas. Sabay kaming Sumakay at Elevator at Bumaba sa Floor kung saan ang kailangan na trabahuin ni Jaden. Binati kami ng mga Staff na nakakasalubong namin. Syempre nakakarinig rin ako ng Usap usapan nila about saakin. I understand naman, ngayon lang rin ako nag ikot ikot dito sa Kompanya.
"Good afternoon, Sir Jaden and Ma'am" ani ng isang lalaki na i think nasa 50's na at nasa likod niya ang lima pang staff.
"Good afternoon rin, She is Ma. Mikaela Oliveros. She is a Doctor and the Daughter of the Owner of Martinez Company. And lastly, She is My Wife." Napangiti ako sa paraan ng pagpapakilala saakin ni Jaden. Nakita ko rin na napangiti ang mga Staff na kaharap namin.
"Hello po Ma'am Mikaela, I'm Theodoro Curpoz the Manager of Product Management Department and they are also a member of the said Department." Ani niya. Nakipag shakehands ako sa kanya at kumaway naman ako sa mga Staff na nasa Likod niya.
"It's nice to meet you po" nakangiting ani ko. Pagkatapos non ay bumalik na sila sa trabaho. Very Hands on talaga si Jaden sa trabaho niya. Hindi pa yata siya nakapagpahinga sa Office niya kasi gusto niya talaga na Tumulong. Pina upo niya ako sa Bench na nasa gilid at nanood lang ako sa ginagawa nila.
Dahil sa Sira ang Machine ay mano mano nilang ginagawa ang Product. Nakakatuwa silang tingnan kasi nag tutulongan silang lahat pati si Jaden ay tumutulong na sa pag gawa. Nag pumilit pa sana ako na gusto kong tumulong pero sabi ni Jaden ay wag nalang at baka madumihan pa ang kamay ko. Actually, it's not a big deal to me kapag nadumihan ako pero sumunod nalang ako sa kanya.
.
.
.
Lucas Pov.
Busy si Sir Jaden sa pag aasikaso sa nasirang Machine. Hinayaan ko muna si Miss Reyes na gawin ang trabaho niya. Inaayos niya ngayon ang schedule ni Sir Jaden para bukas. Lumabas muna ako ng Office ko. Inutusan kasi ako si Sir na i check kung kamusta na si Ma'am Mika sa Office niya. Habang nasa Elevator ako ay may nakasama ako na tagahatid ng sulat para sa buong Company.
Napasilip ako sa mga papel na Hawak niya. May pangalan ito ni Sir Jaden pero may nararamdaman ako na kakaiba sa Sulat na iyon.
"Excuse me, pwede ko bang makita ang Sukat na yan" ani ko sa kanya sabay turo ng Sulat para kay Sir Jaden.
"Po?" Takang tanong niya.
"I'm his Bodyguard, ibibigay ko nalang sa kanya"ani ko. Nag aalangan man ay binigay saakin ng lalaki ang sulat. Nauna siyang bumaba saakin at naiwan nalang ako na mag isa sa elevator.
Sinuri ko ang sulat at wala itong pangalan kung kanino nang galing o kung saang Kompanya. Ganito rin ang sa mga death threat na natatanggap niya. Binuksan ko ang envelope at bumungad sakin ang nakatupi na bondpaper. Binuksan ko ito at nagulat ako sa laman nito.
Picture ito ni Ma'am Mika na papasok palang ng Kompanya. Sabay sila ni Sir Jaden na pumasok kanina pero sa kanya lang talaga nakatuon ang Picture. Binasa ko ang nakasulat sa ilalim.
Ma. Mikaela Martinez Oliveros. What do you think? Do you want me to meet her? She looks pretty, by the way!
Tiningnan ko kung nasa ilang floor na ako. Nasa Floor na ako ng Office ni Sir Jaden. Papasok na sana ako pero narinig ko na parang may kausap si Ma'am Mika kaya bumaba nalang ako at hinanap si Sir Jaden.
Binigay ko sa kanya ang Sulat na nakuha ko at Mabilis na tumakbo si Sir. Hindi na si Sir gumamit ng elevator bagkus ay dumaan sa hagdanan para mas mapabilis.