Wakas

1292 Words
Halos mangisay ako sa takot ng marinig ko ang mababangis na hayop na kasamahan ni Tyrone o ang tinatawag niyang Tenembris. Gusto ng bumigay ang aking katawan dahil na rin sa pagod at takot na tanging nararamdaman ko ngayon.  "Anjan na ang mga kasamahan natin. Sa wakas matatalo na natin ang nga walang kwentak abwak na mga iyan at ang mga mananggal!" mabagsik na pahayag ni Red kasabay nun ang pag-ungol niya na siyang ikinakilabot ng buong sistema ko.  Doon ko napagtanto ang lahat. Lahat ng mga ginawa ng aswang sa amin. Lahat ng mga mababagsik na pinakita ng mga asWang ay para protektahan ang mga nakakarami sa kanila, ang teritoryo at mga kasamahan. Hindi sila ang kalaban dito dahil ang kalaban ay ang matagal na namin palang kasa-kasama! "Malapit na silang maladating dito. Naririnig ko na ang mga ungol ng mga karamihan. Ikaw Bella naririnig mo ba?" tanong ni Tyrone habang nakangisi. Hindi ako sumagot sa kanya bagkis ay sinusubukan kong kumawala sa mga tali ng aking kamay at paa.  Walang hiyang traydor! Traydor sila! Mga walang awa! Napasulyap ako kay Joy na nakatingin sa akin habang may lungkot sa kanyang mga mata. Nagung totoong kaibigan siya samin hanggang ngayon. Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig sa akin kanina. Gusto kong umangal at sabihin na wag na, dahil alam kong may mangyayaring hindi maganda sa kanya subali't kailangan naming sumugaw para sa mga nakakarami.  Hindi na ako nagpumiglas. Suko na ako dahil kahit anong gawin ko ay hindi ako makakatakas sa pagkakatali nila. Mahigpit ito at sinigurado nila na hindi makakatakas ang kanilang bihag.  Muli kong sinulyapan si Joy. Napatingjn siya sa akin at ngumuti kasabay nun ang paglaku ng nga pangil niya at pag-ibang anyo ng kanyang katawan. Naging isang parang aswang ngunit masmabagsik ang kanyang itsura dahil may pakpak siya na tulad ng mga manananggal.  Lumapit siya sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kong ano ang aking mararamdaman, matatakot ba o ano.  "Ano ang gagawin mo, Joy?!" sigaw aa kanya ni Red. Nilingon niya ito pero agad niya ring binaling ang atensyon sa kinaroroonan ko.  "Papatayin ko na sila." malamig na sagot nito na iba ang boses. Nanginig ang buong sistema ko pero nagulat ako ng nilagay niya sa palad ko ang isang punyal na para bang may magagawa ito.  "Mamatay ka na, Belle!" sigaw nito aa akin. Napapikit ako ng makia ko ang papalapit niyang mga kuko papunta sa akin. Akala ko papatayin niya ako pero naramdaman ko ang pagluwag ng mga nakatali sa aking katawan. Naigalaw ko na rin ng mabuti ang aking kamay at paa.  Nakita ko si Joy na kinalagan si Heena at si Lola. Nakita ko si Red na susugurin si Joy ng ihagis ko sa kanya ang punyal na ibinigay nito sa akin at sakot sa kanyang dibdib kung nasaan ang kanyang puso.  Nanlaki ang mga mata niya kasabay nun ang pagtulo ng dugo na nagmumula sa kanyang katawan at bumagsak ang katawan niya sa kalupaan. Napalingon sa akin si Tyrone habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Nangamba ako sa posible niyang gagawin sa akin. Alam kong papatayin niya ako! Nag-iba ang anyo rin nito at naging katulad ni Joy. Ibinaling niya ang tingin sa akin at walang pagkundangan na sinugod ako. Aabutin na niya sana ako gamit ang matatalas niyang kuko ng bigla siyang dinamba ni Joy at gumulong sila sa lupa.  Tinignab ko sila at ibinaling ang atensyon kay Heena. Nakatayo na ito ay tinutulungan si Lola sa pagtayo. May itinuro sa akin si Heena kaya napatingin ako doon.  Ang pana ko! Ang pana kong nakasabit sa isang puno.  Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at agad na tumakbo papunta doon. Aabutin ko na sana ito ng maramdaman ko ang pagdaplis ng isang patalim sa aking balikat. Nilingon mo ito kung saan nanggaling.  Nakita ko si Red na hinang-hina na nakatingin sa akin. Nanlilisik pa ang mga mata niya.  Walang pagkundangan kung inabot ang pana at pati na rin ang nga palaso nito. Nilagay ko ang palaso at itinutok kay Red na nakahiga. Napapikit ako at inaalala ang mga nangyari sa amin ng kaibigan ko. Ang magagandang nangyari sa amin pero iba ang naaalala ko ngayon.  Binitawan ko ang tali nito kasabay nun ang pagpunta ng palaso sa kinaroroonan niya. Napapikit ako ng narinig ko ang ungol nito sa pagtarak ng palaso sa dibdib muli niya.  Lininingon ni Tyrone ang kaibigan. Nilingon ko rin sila na nanlaki ang mga matang nakatingin sa nanghihinang Joy ngayon.  "Magbabayad ka!" malakas na sigaw nito kasabay nun ang pag ungol niya sa buong suloj ng kagubatan. Lumipad ang mga ibon.  Napaatras ako at nanginig ang buong sistema dahil sa takot na aking nararamdaman.  Itinutok ko ang pana at nilagyan ng palaso ito. Hindi ako nagdalawang isip na bitawan ang tali niya at kaagad na pumunta ang palaso sa kinaroroonan ni Tyrone. Bago pa siya maka-iwas ay nadaplisan na ang malaking braso nito.  Papanahin ko muli sana siya ng biglang may isang malaking kamay at walang awang inihagis ako mula sa isang nalapad na puno. Napapikit ako sa sakit na dulot nito.  "Sa wakas at nakarating na din kayo!" sigaw ni Tyrone at muling lumingon sa akin. "Patayin silang lahat!" sigaw niya.  Umungol ang kasamahan nito at agad na tumakbo papalapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanilang kahat na handa na kaming kagatin pero bago pa dupaplis ang mga matatalim na ngipin nila ay isang aswang ang dumamba sa kanilang kahat kasabay nun ang paggaspas ng mga pakpak ng manananggal sa himpapawid.  "Patawad kong natagalan kami. Tinipon ko pa kasi sila para maki-isa." ani Maria. Napatingin ako sa kanya na nakahawak ng isang espada.  Agad niyang sinaksak ang isang tenembris malapit sa amin at inakay ako para tumayo. Napayakap ako sa leeg niya dahil nahihirapan akong tumayo dahil sa pagkakahagis.  "Kailangan niyo ng umalis dito bago pa mahuli ang lahat." aniya. Lumapit sa akin sila Heena at Lola. Nilingon ko si Joy na kahit sugatan na ay nakikipaglaban parin siya sa kapwa niyang nga Tenembris.  "Belle!" sigaw ng isang tinig. Sinulyapan ko si Tyrone na nanlikisik na nakatingin sa akin.  "Tyrone!" sigaw ni Maria sa kanya sabay tutok ng kanyang espada. Pina-upo niya muna ako malapit sa kanya at hinarap siya na ngayon papunta sa kinaroroonan namin.  "Maria!" mabagsik niyang sabi habang papalapit ng papalapit.  Sa unang paghampas ni Maria sa eslada ay nailagan ni Tyrone ito. Pero sa paghampas muli ni Maria ay nadaplisan na siya. Umungol ito ng malakas sabay kalmot sa katawan ni Maria. Nanlaki ang aking mga matang nakatingin sa kanya habang bumubulusok ang mga dugo sa katawan.  "Maria!" sigaw ko. Pilit niya paring linabanan si Tyrone pero isang kalmot nanaman ang kanyang natamo.  Napapikit ako ng aking mga mata sabay kuyom ng mga palad. Dinampot ko ang pana at nilagyan ng palaso tyaka itinira kay Tyrone habang walang awang pinapatay si Maria.  Bumalik ang mga ala-ala kung saan masaya kaming dalawa. Kung saan palagi niya aking kinukulit, kung saan nahulog ang loob ko sa kanya.  Umiling ako at napikit kasabay nun ang pagkawala ng palaso mula sa pana papunta sa kanya. Napamulat ako kasabay nun ang pagtama ng palaso sa dibdib niya. Umungol ito. Dumampot muli ako ng palaso at muling pinakawalan at sa pagtarak ng palaso ay siyang pagbagsak ng kanyang katawan sa lupa.  Bumuhos ang aking luha at kumawala ang nga hikbi sa akin. Napatingala ako sa paligid. Kaming tatlo na kang ang naiwan, nakahandusay na silang lahat, kaming tatlo na lang ang natitira.  Nilingon ko si Maria na nahihirapang nakahiga ngayon. Umuubo siya ng dugo kaya agad ko siyang dinaluhan. Ipinahiga ko siya sa aking mga binti. Nakatingin siya sa akin habang hirap na hirap.  "S-sa wakas. Ta-ta-tapos na." huling salita niya kasabay nun ang pagpikit ng kanyang mga mata.  Napatingala ako sa kalangitan kasabay nun ang pagbuhos muli ng mga luha ko. Ang daming namatay ng dahil sa kagagawan namin. Ang daming nagbuwis ng buhay ng dahil sa amin. Tapos na ang lahat, tapos na ang paghihirap.  ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD