Kabanata 14

1118 Words
Kinaumagahan ay halos sugudin ko na lahat ng mga kabahayan na nakatayo dito sa baryo pero buti na lang napigilan ako ng mga kasamahan ko.  Galit na galit ako dahil kinuha nila sila Heena at Lola. Gusto kung sunugin ang mga bahay nila dahil sa galit, gusto kung patayin silang mga aswang. Nilingon ko si Red. Kaya na niyang tumayo. Bumabalik na rin ang dati niyang lakas. Kitang-kita mo talaga ang epekto ng tubig ng talon na pinainom namin. Nilingon ko si Tyrone na nakatingin rin pala sa akin. Agad akong nag-iwas ng aking tingin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naiinis ako tuwing nakikita ko sila ni Maria na masayang nag-uusa na para bang normal lang ang araw na ito. Tuwing magtatanong siya sa akin ay isang salita o tango na lang ang naisaagot ko. "Belle, saan natin hahanapin sila Heena? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila." tanong sa akin ni Kyle. Napatingin ako sa kanya at hindi sumagot dahil hindi ko naman talaga alam kung saan maguumpisang maghanap. Kahit papaano ay masmapapadali na sa amin ngayon dahil alam na namin ang kahinaan ng mga aswang at manananggal. Lumapit sa kinaroroonan namin ang ama ni Maria. Umupo siiya sa tabi ko at hinawakan ang aking balikat. "Mayikwekwento ako sa inyo." pagsisimula niya kaya naman napatingin ako sa kanya. "Isang bata, isang bata ang ipinanganak noon dito at may kakaiba silang uri." aniya. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi dahil hindi naman niya binubuo ang kanyang kwento.  "Nalaman ng mga aswang na iba sila. Sinaktan nila ang mga ito pero ng bata ay nakatakaa at napunta sa labas. Walang nakakaalam kung sino ang bata basta ang alam nila ay nasa tao ang mga ito at naninirahan na parang normal." aniya. Kumabog ng malakas ang aking dibdib. Parang tambol ang pagkabog nito habang pinapakinggan ko ang bawat detalyeng sinasambit niya. Kahit hindi ko maintindihan ang kanyang sinaabi ay nauunawan ko ito. "Pagkatapos ng trahedyang iyon ay mashinigpitam ng mga aswang ang dipensa laban sa kanila dahil ang kabilang panig au doble ang laks nila kesa sa mga aswang."  "Ha? Ang ibig niyo pong sabihin mas malakas sila? Sino pong sila? At sino iyong bata?" sunod-sunod na tanong ko. Ngumiti naman ito at nilingon ang mga kasamahan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakuha ko ang gusto niyang ipahiwatig. "I-iisa sa k-kanila?" kinakabahan kung tanong. Gusto kung hindi maniwala sa aking naiisip. Ngumiti lang ito. Pero bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko ang isang matulis na bagay na tumama sa aking tiyan. Agd akong napamulat ng aking mga mata. Iginala ko ang paningin ko sa madilim na paligid. Papasikat pa lang ang araw. Hindi ko alam kung anong nangyari. Panaginip lang ba iyon? Pinagpapawisan ako ng malagkit dahil sa panaginip na iyon. Tinignan ko ang kasamahan ko na natutulog at nung nagawi ang aking paningin sa ama ni Maria ay halos manlaki ang aking mga mata. Kahit na madilim ang loob ay nakikita ko siyang nahihirapang humihinga habang hawak ang kanyang tiyan at naliligo sa sarili niyang dugo. Nilingon ko ang mga kasamahan ko magbabakasakaling may nagisinh dahil nakakatiyak ako na hindi aswang ang may gawa nito kundi isang tao. Isa sa amin dito ang gumawa! Pero sino?! Sino?! Agad kung dinaluhan ang ama ni Maria habang nahihirapan siyang makahinga. Hindi ko na alam ang gagawin ko ni isa sa kanila ay walang nakagising, dahil nari n ata sa kapagudan pero tiyak ko na may isang taong nakamasid lang sa akin, sa amin at tiyak ko na siya ang may kagagawan nito.  "T-tulong" halos bulong na lang ang lumalabas sa aking bibig. Niyugyog ko si Maria aa kanyang balikat. Hindi pa siya nagising ay mas niyugyog ko siya ng malakas para magulantang ito. "Maria, ang iyong ama!" madiin kung pahayag sa kanya. Nakita ko siyang nagmulat ng kanyang nga mata.  Sinapo ko ang uli ng ama niya para matulungab na lumanghap ng hangin. Umubo ito ng dugo, napapikit ako dahil hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko.  "Ano ang nangyari sa aking ama?!" sigaw niya sa akin. Hindi ako nagsalita dahil kahit ako ay hindi ko alam ang nangyari. Umiyak ito at dinaluhan ang amang duguhan. Tinulak niya aki palayo. "A-ama." umiiyak na sambit nito.  Lumapit ako pero tinulak muli niya ako palayo. Tinitigan niya ako ng masama na para bang ako ang may kasalanan ng pagkamatay ng kanyang Ama.  "Mamamatay tao ka! Walang hiya ka!" sigaw nito na kanyang ikinagulat, naalimpungatan na rin ang kanyang mga kasamahan dahil sa mga nangyayari. "Mamamatay tao!" sigaw niya muli.  Napapikit ako ng mariin sa kanyang sinabi.  "H-hindi ako ang pumatay. Ma-maniwala ka. Hindi ako." sagot ko. Umiling lang ito sa akin tyaka tumayo at hinarap ako. Pinunasan niya ang nga luha niya sa kanyang mga mata.  "Ikaw ang pumatay! Nagkakaila ka pa! Mamamatay tao!" sigaw niya at agaran na niya akong sinugod. Halos mapatili ako sa sakit ng ulo ko dahil sa paghila nito sa akin para bang mahihiwalay na ang anit ko.  "Maria! Huminahon ka!" singhal ni Tyrone at agad na dinaluhan si Maria. Niyakap niya ito patalikod at inihiwalay sa akin.  Napapikit ako ng mariin at dinamdam ang sakin na aking nararamdaman ngayon. Humihikbi na ako sa mga nangyayari sa mga nangyayari sa amin, sa akin. Sa pangyayaring hindi ko naman ginawa na ako ang naakusahan.  "B-belle." natatakot na pahayag sa akin ni Joy. Tinitigan niya ako pababa sa aking kamay. Napatingin rin ako sa aking kamay na puro dugo.  Hunakbang ako papunta sa kanila ngunit sila ay napaatras.  Sa pagatras nila sa akin ay parang sinaksak ako ng punyal sa aking dibdib. Pati ba ang mga kaibigang tinuring ko ay naniniwala na ako ang pumatay?  "Hi-hindi, h-hindi ako ang pumatay." bulong ko. Bumuhos muli ang mga luha sa aking mga mata at kumawala ang mga hikbi sa akin. Napaluhod ako habang nakatingin sa kinaroroonan nilang lahat. Bakit ganun? Parang ako na ngayon ang masama sa tingin nila? Bakit sila natatakot sa akin? Dahil ba ang akala nila ako ang pumatay? Akala ko ba kilala nila ako, kilala nila ako na hindi ko kayang pumatay ng isang tao.  "To-totoo ba, Belle?" tanong ni Kyle.  Tumayo ako muli at tinitigan sila sa kanilang mga mata. Wala ng lumabas na mga luha dito, wala na ata akong mailuluha napiga na ata.  "Ano sa tingin niyo? Kaya ko bang pumatay ng isang tao? Akala ko kilala niyo na ako, akala ko kilala niyo ako na hindi ko kayang pumatay ng isang tao." diretsong pahayag ko. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para mabuo ang aking sinasabi. "Ngayon tatanungin ko kayo. Kaya ko bang pumatay ng isang tao na wala namang ginawang masama sa akin? Kaya ko ba?" tanong ko na nakatingin sa kanilang mga mata.  Hindi sila nakapagsalita. Tumalikod na ako at bago ko pa maihakbang ang aking mga nata ay naramdaman ko na ang pag-ikoy ng aking paningin at nawalan ng malay.  ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD