SHHS 51 Chrisnah's Point of View Walang mapaglagyan ang aking tuwa nang makita kong unti-unting nagmu-mulat ng mga mata si Michael. Pakiramdam ko ang tagal ko siyang hindi nakita sa kaba at pagka-sabik na nararamdaman ko kahit na araw-araw ko naman siyang nakikita dito sa hospital. "Tito Daddy!" Agad na tumakbo palapit si Jairo kay Michael para bahagya itong yakapin. Habang ako naman ay naka-tulala pa din habang maluha-luha. "Tita Mommy gising na si Tito Daddy!" Maligayang anunsiyo ni Jairo habang malawak ang pagkaka-ngiti nito sa akin. I bit my lower lip to supress my tears as I nodded my head. Ewan ko ba pero naiiyak ako. Gusto kong umiyak sa saya na nararamdaman ko. I've been waiting for this time to come. Natutop ko ang aking bibig at napa-yuko na lamang kasabay ng pag-patak ng

