SHHS 39 Chrisnah's Point of View Ilang araw na ang matuling lumipas simula nang kumalat ang mga litrato nila Dianne at Michael and so far, so good. Inalis ni Dianne ang mga litrato and she clarified that there's nothing going on between the two of them. Nilinaw na rin ni Dianne na hindi totoo ang mga balitang kumakalat tungkol kay Michael. She really cleaned up her own mess. Kaya naman everything's okay na kay Michael. And I'm glad. I don't wanna see him suffering anymore to any fake issues about her. "Where's Michael?" Tanong ni Dianne sa'kin habang kumakain kami ng lunch. Awtomatikong umangat naman ang isang kilay ko. "Bakit mo hinahanap ang bebe ko?" Mataray na tanong ko sa kaniya. Nangunot naman ang noo niya. "Masama bang hanapin siya? Selosa mo ah!" At umismid siya sa'kin. Pina

