SHHS 53 Chrisnah's Point of View "Michael didn't make it till the end. We tried our best to revive him but to no avail." Malungkot at naiiling na pahayag ni Dra. Smith. Para naman akong nabingi sa narinig ko. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Teka. Ano daw ang nangyari? Hindi naka-survive si Michael sa operation? Pero paano nangyari iyon? Hindi ko maintindihan. Alam kong walang kasiguraduhan ang operasyon na 'to, pero bakit ganito naman? Michael stop responding on the middle of the surgery? Wait lang ah. Akala ko ba kakayanin namin? Akala ko ba kakayanin niya? Bakit ganito? Bakit biglang ganito? Naka-tulala lang ako habang naka-tayo sa likuran ni Xylene na ngayon ay naka-upo na sa sahig at humagulhol habang hawak-hawak siya ni Kuya Chad. Wala akong maintindihan. Hindi ko al

