Hindi makapaniwala si Quieno na pumayag ang mommy at daddy ni Angel sa proposal na iyon. And malakas ang pakiramdam niya na papayag si Angel. Nang sumunod na araw ring iyon ay p-in-lano nina Marielle, Lyka at ng mommy ni Quieno ang proposal. Nagkita-kita sila sa restaurant. At sumunod na araw ay nagpatulong ulit si Quieno kay Astrid. Marami itong ina-attend-an na events kaya naman marami itong alam sa ganoong bagay. "Grabe ka talaga. Si Astrid pa ang naisip mo..." napangusong sabi ni Angel kay Quieno. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Quieno na nagselos siya kay Astrid noon. Nang magkita sila nito para sa nasirang sasakyan nito na wala rin namang magagawa si Quieno para ayusin iyon. "Mabait si Astrid. You should know her better." hindi na nagsalita pa si Angel tungkol kay Astrid. Hindi n

