"Magsalita ka." muling sambit ni Angel habang nakatungo at basang-basa ang dress na suot niya. Bakas sa mukha ng dalaga ang lamig na dulot ng hangin sa basang katawan niya. Sa halip na magsalita tungkol sa pag-uusapan nila ay saglit na huminga nang malalim ang binata. "Here, wear this." hinubad ni Quieno ang basang suit niya. Ngunit kahit basa ito ay matatakpan nito ang expose na balat ng dalaga sa lamig at mahihimasmasan ang ginaw na nadarama. Ngunit hindi iyon tinanggap ni Angel. Umiwas siya at niyapos ang sariling braso ng mga palad niya. "No thanks. I don't need anything from you. So kung wala kang sasabihin, better leave me alone." hindi naman nagpatinag si Quieno. Pilit niya pa ring akmang isusuot kay angel ang suit. "Ano ba? Hindi ka ba nakaiintindi? Hindi mo ba narinig ang sinab

