"Alam niyo mga Sir, palipasin muna natin ang init ng ulo ng ating boss. Kung hindi ay pare-pareho tayong mawawalan ng koneksiyon sa buhay niya." dahil sa init ng ulo ni Angel ay pinulong ni Beth sina Edric at Quieno. Kahit pa boto siya kay Quieno ay ayaw naman niyang maapektuhan ang friendship nila ni Angel. Matalim ang titig ni Quieno kay Edric at ganoon din naman ito sa binata. Kahit pa wala karapatan si Quieno kay Angel sa ngayon ay hindi siya makapapayag na magkapuwang ang lalaking ito sa puso ng mahal niya. Darating din ang araw na maibabalik niya ang dating pagmamahal nito. O baka higit pa. Saad ni Quieno sa isip niya. "Well, for me. I don't think na may nagawa ako masama. Hindi ako ang nanloko." lalong tumalim ang titig ni Quieno rito. "Are you saying na nanloko ako?" hindi natii

