Present... "Ms. Angel, samahan mo naman ako mamaya. Kasi naman wala pa akong isusuot sa event natin sa batangas." natatawa si Angel kay Beth dahil aligaga ito sa sususotin tuwing may event. "Nako ha. Huwag masyadong magpaganda. Baka magselos si Lucas niyan." kantiyaw niya rito. "Oy, hindi ah. I'm a good girlfriend." napapailing si Angel sa kulit ni Beth. Kita naman niyang loyal si Beth at hindi na tumingin pa sa iba simula nang makilala nito si Lucas. Ang problema lang ay lagi siya nitong inirereto kung kani-kanino. Kaya rin iniiwasan niyang sumama sa mga events. "Pero hindi naman puwedeng magpakalosyang dahil wala rito ang ang lovable jowa." hindi pa rin ito tumigil at talagang ipinagpipilitan na magpasama sa kanya. Ayaw sana niya ngunit talagang mapilit ito. "Oo na. Sige na. Mag-clo

